Friday, September 30, 2022
HomePoliticsHerbert Bautista, nangalaiti matapos harangin sa BBM-Sara rally sa QC: "Pinatid ako....

Herbert Bautista, nangalaiti matapos harangin sa BBM-Sara rally sa QC: “Pinatid ako. Nakita niyo pinatid ako”

Nangagalaiti sa galit si senatorial candidate Herbert Bautista matapos siyang harangin papunta sa rally ng BBM-Sara UniTeam sa Quezon City kung saan siya nagsilbi bilang alkalde ng siyam na taon.

Sa isang video na kumakalat ngayon sa social media, makikita si Bautista na nagrereklamo dahil sa pagpatid sa kanya sa isa sa mga gwardiya ng nasabing rally.

Ayon kasi sa mga gwardiya ng UniTeam rally ay walang soot na bracelet pass si Bautista.

Ngunit makikita naman daw na kahit ang ilang senador na dumalo sa nasabing pagtitipon ay wala ring soot na ganon.

Lalo pang nangalit ang kandidato dahil sa pagpatid sa kanya ng isa sa mga gwardya ng rally.

“Pinatid ako. Nakita niyo pinatid ako?” tanong ni Bautista sa mga tao na nasa labas ng rally.

Ilan sa mga nandoon ay pumabor na pinatid nga ang dating alkalde ng nasabing gwardiya.

Agad namang inawat si Bautista ng kanyang mga tauhan ng paambang susugurin ng dating alkalde ang gwardiya.

Umabot sa daan daang libong views ang nasabing video.

Ilang netizens naman ang nagbigay ng kanilang pahayag sa nangyari.

“They should be the model since they are running to third higher position of the country. Be calmed, get them in a democratic way!” ani Rafael Accad.

“tama lang sumunod ang guard pero dapat explain muna nila na may waiting area at sbhin muna nila sa may pa rally na ivitd ang uniteam,” sabi ni Jojie Dacanay.

“Talagang magalit si bistek Herbert pano pinatid pa siya ng guard man buti nga hindi siya sumunsob , Ayaw. Kase silang papasukin kinakausap niya yung guwardiya Lumalayo , pinapasok nga sila pinatid naman siya,” komento naman ni Geraldine Mosquete.

Hindi pa nagbibigay ng karagdagang impormasyon ang kampo ni Buatista tungkol sa nangyaring insidente.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular