Home Netizen's Voice Ginawang santo? Supporter ni Robredo, napa-sign of the cross matapos makita ang Bise Presidente

Ginawang santo? Supporter ni Robredo, napa-sign of the cross matapos makita ang Bise Presidente

0

Inuulan ng iba’t ibang reaksyon ngayon sa social media ang isang video kung saan makikita ang isang tagasuporta ni presidential candidate Vice President Leni Robredo na tila may kakaibang ginawa.

Sa nasabing video na ibinahagi ni Stephanie Lalaine Salonga sa Facebook ay makikita ang nasabing supporter na paulit ulit nag-sign of the cross kada susubukan nitong hawakan si Robredo.

Madalas itong ginagawa ng mga Katoliko kapag hahawak sila sa mga santo o sa iba pang banal na bagay.

Ilan pa sa mga ipinakita sa video ay ang pagpasan ng activist priest na si Father Robert Reyes ng krus sa headquarters ng Leni-Kiko na inulan din ng iba’t ibang komento sa social media.

READ MORE: Father Robert Reyes, inulan ng batikos dahil sa pagpasan ng krus sa Leni-Kiko headquarters

Eto ang ilan sa mga komento ng netizens sa nasabing video:

“Bakit may mga taong kahit alam na mali, ginagawa padin. Kahit makasasala ang tao dapat kilala padin natin si HesuKristo. Wag natin dagdagan yung mga kasalanan natin. Hindi pa tayo humihingi nang kapatawaran. May isa nanamang kasalanan tsk tsk.” sabi ni Gheen Lopez Garong.

“Hala ginawang santo.. patawarin sana kayo.” ani Wyller Gose.

“Ano kya masasabi ng pope kapag nakita to?! nakakaloka na mga pinoy sa ginagawa nila. Sinisira nila ang paniniwala ng mga katoliko.” komento naman ni Ehmz Arag.

May mga nagtanggol din naman kay Robredo at sinabi na hindi na kontrol ng bise ang asal ng mga tagasuporta niya.

“Mali , mali ng supporters yan hindi ni leni. Hindi naman dapat sinasamba ang pulitiko eh. Pero kung yan ung gagawing dahilan para hindi iboto si leni napaka babaw non.” paliwanag ni Mark Astada.

Sa ngayon ay mayroon ng mahigit 1.7-M views ang nasabing video.

Facebook Comments