Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesAbogado, tinawag na 'ipokrito' si Pokwang: "She managed to uplift and demean...

Abogado, tinawag na ‘ipokrito’ si Pokwang: “She managed to uplift and demean mothers!”

Hindi nakapagpigil ang isang abogado na batikusin ang pahayag ng komedyante na si Marietta Subong o mas kilala bilang “Pokwang”.

Nag-tweet nitong Abril 13 tungkol sa dalawang klaseng ina si Pokwang sa gitna ng diumano’y kumakalat na pekeng video ni Aika Robredo.

Ilang netizen kasi ang ibinintang kay Vice President Leni Robredo ang pagpapalaki ng nasabing isyu tungkol sa sarili niyang anak upang diumano’y makuha nito ang simpatya ng tao.

Sa gitna ng palitang ng sisi ay sinabi ni Pokwang na hindi magagawa ng isang ina na gamitin ang kanyang anak para sa pansariling interes nila at manalo.

Samantala ay pinaringgan din nito ang isang ina na diumano’y nagnakaw sa gobyerno at ginamit ito sa pagpapalaki niya sa mga anak niya.

“Hindi magagawa ng isang ina na ipain ang anak sa napakaduming laban para lang siya ay magwagi sa kanyang hangarin, NO NO NO!!!” ani Pokwang.

“Pero may kilala akong ina binuhay ang mga anak sa pera ng bayan kakaloka deba?” dagdag niya pa.

Sa kanyang Facebook post naman, binanatan ni Atty. Bruce Rivera si Pokwang dahil tila kinontra ng komedyante ang sarili niya.

“Alam niyo, kung magcocomment si Pokwang dapat yung hindi contradict
ang sarili niya. Kasi lahat ng ina ayaw pasamain anak at ilaglag dahil sa ambisyon. Pero nung pinasok niya ang pulitika, alam niya na madumi yun. Dapat mas naprotektahan niya. At lahat din gagawin ng ina para sa kanyang anak. Maiintindihan ko ang magnakaw para ipakain sa anak. Ang hindi ko maintindihan ang ina na kayang siraan ang kapwa ina base sa tsismis at sabi sabi ng iba.” sabi ni Rivera.

“Ang galing magsabing hindi magawa dahil isang ina tapos may isang ina nga magnanakaw.
Sa pagamit pa lang ng “ina” ginagawa niyang gender issue ang hindi dapat. Kasi ang magulang ay magulang. Kung gagawa ng masama ay hindi ama or ina lang. Kung gagawa ng mabuti ay hindi ama or ina lang.” dagdag niya pa.

“In short, in one statement, she managed to uplift and demean mothers. Kaya pinatulan ko. Ipokrita eh.” sabi pa nito.

Wala pang tugon si Pokwang sa sinabi sa kanya ni Rivera.

Kilalang tagasuporta ni Robredo si Pokwang at kritiko naman ng mga Marcos.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular