Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesRobin Padilla sa mga sinasabing 'nakulong' na siya: "Yung iba senador na...

Robin Padilla sa mga sinasabing ‘nakulong’ na siya: “Yung iba senador na nung nakulong”

Nagbigay ng kanyang reaksyon sa mga bumabatikos sa kanyang nakaraan.

Matatandaan na nakulong ang tinaguriang ‘Bad Boy’ ng Philippine cinema noong 1994 dahil sa pagmamay-ari niya sa ilang matataas na kalibre ng baril.

Ayon kay Robin ay matapos siyang makalaya ay puro kabutihan naman ang nagawa niya.

Naging mabuti ako for sometime sa aking ex-wife, sa mga anak ko.  Marami rin tayong nasagip na mga tao, drug offenders pati ‘yung mga pareho kong (nasangkot) illegal possession of firearms,” kwento ni Robin.

Kung palarin din na maging senador ay magsusulong siya ng mga batas na maaring makatulong sa mga nasa loob parin hanggang ngayon ng Bilibid dahil sa naranasan niya rin na mamalagi doon ng ilang taon.

Ipinagmalaki niya rin na hindi siya nakalaya dahil sa mayroon siyang malalaking tao na hiningan ng pabor.

Kaya hindi ako lumuhod kahit kanino. Lumaya ako dahil hindi ako nagpaospital, hindi ako nagdrama. Lumaya ako dahil I served my sentence at nagpakabuti ako sa loob, tumulong ako sa gobyerno, nakalaya ako,” sabi ng aktor.

Kwento niya pa ay noong siya ay nasa loob ng Bilibid ay sinulatan niya ang noo’y mga senador na sina Gringo Honasan at Ramon Revilla Sr. tungkol sa kanyang kinakasangkutan na kaso.

Dahil daw dito ay maliban sa kanya ay marami ang nakalaya na mayroong kapareho ng kanyang kaso.

Libo ang lumaya dahil sa Robin Padilla Law kasi nakulong kami sa Presidential Decree 1866. Ito ‘yung time ng martial law na pag nahulihan ka ng baril makukulong ka ng 17-21 years,” aniya.

Nagbigay din ito ng mensahe sa mga nagsasabi na nakulong na siya kaya’t hindi siya maaring makapasok sa senado.

E, ako lagi kong sinasabi na mabuti ako nakulong muna bago tumakbong senador, e, ‘yung iba, senador na nu’ng nakulong, di ba?  Mas maganda naman siguro ang record ko?” pabirong sambit ng aktor.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular