Wednesday, October 5, 2022
HomeSocial MediaProf. Clarita Carlos, may prangkang opinyon: "We need more scientists, engineers, doctors...

Prof. Clarita Carlos, may prangkang opinyon: “We need more scientists, engineers, doctors not more lawyers!”

May prangkang mensahe si retired University of the Philippines (UP) Professor Clarita Carlos sa gitna ng pagdiriwang ng libo libong nakapasa sa pinakaunang digital Bar exam sa Pilipinas.

Matatandaan na umabot sa 8,241 na examinee ang pumasa sa nasabing bar exam na maituturing na record breaking dahil sa 72.28% ang naging passing rate nito.

Sa kanyang prangkang mensahe sinabi ni Prof. Carlos na mas kinakailangan ng Pilipinas ngayon ang mga scientist, engineer at mga doktor kaysa sa mga abogado.

“Not to rain on anyone’s parade… but me thinks we need more scientists, engineers, doctors… not more LAWYERS!” ani Carlos.

Ilang netizen naman sa Twitter ang binatikos si Carlos dahil sa kanyang opinyon.

Why is Prof. Clarita Carlos pitting professions against each other when the real problem is that we do not nurture our professionals enough to make them want to stay in the country or create incentives for people to want to pursue those career paths in the first place?” ani @thepanda106

Clarita Carlos thinks that we don’t have enough doctors, scientists, and engineers. Actually we have many, they just don’t work here because of the salary and the availability of jobs, unlike in the other countries where the opportunities are rampant.” ani @superjajajaja_

Aabot sa mahigit 40,000 mga abogado sa Pilipinas ayon sa artiukulo ni law professor Jemy Gatdula noong 2016.

Kung pagbabasehan ay mayroong isang abogado para sa 2,500 na Pilipino.

Samantala ay ayon naman sa Department of Health (DOH) noong 2016 ay mayroong isang doktor lamang para sa 33,000 na Pilipino.

Sa ngayon ay burado na ang nasabing post ni Carlos.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular