Monday, October 3, 2022
HomeUncategorizedPangulong Duterte inamin na magaganda ang palabas ng Kapamilya network: "You kind...

Pangulong Duterte inamin na magaganda ang palabas ng Kapamilya network: “You kind miss ABS-CBN”

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na magaganda ang mga inilalabas na programa ng nagsarang ABS-CBN network.

Sa kanyang pahayag nitong Abril 12 sa Agusan del Norte ay sinabi ni Pangulong Duterte na magaganda ang mga programa ng Kapamilya network ngunit hindi ito maaring maging dahilan upang hindi niya habulin ang mga may-ari nito na hindi nagbabayad ng tamang buwis.

“Kita mo sa TV nidto kadtong sa ABS-CBN? Ang nahitabo sa ABS-CBN, gigukod nako because ang ilang taxes running into billions wala nila bayri. Mao tong gigukod nako sila, gihatod gyud nako sila sa [unclear] kay mga hambugero na unya magsige’g pangwarta (Did you see it on TV, the ABS-CBN case? What happened with ABS-CBN was I went after them because they didn’t pay their taxes running into billions. That is why I really went after them and drove them into… Because they are so arrogant and just keep on trying to earn money unscrupulously),” sabi ng Pangulo.

“But they are really good, no doubt about it. You kind of miss ABS-CBN because they run a good program. But they were running at the expense of the people,” dagdag niya pa.

Ayon sa Pangulo ay para lamang sa pang apat na ektarya ang binabayarang tax ng ABS-CBN sa kanilang building kahit na 44 na ektarya ang sakop nito.

“Their complex spreads out on an entire block, that’s about 44 hectares. But did you know what was written in their original document was only four? I don’t know what kind of document that is and where they got it from. But all they were paying for all these years was just good for four hectares,” ani Duterte.

Inalala din nito ang ginawa sa kanya ng Kapamilya network noong 2016 kung saan ay hindi ipinalabas ng nasabing kumpanya ang mga political ads niya kahit na bayad na ito.

“They made me pay in advance but it was never aired. It happened to many, not just me. They just keep on swindling and cheating for money. That was why I said this shouldn’t be allowed,” kwento ng Pangulo.

Pinuri naman ni Duterte si senatorial candidate at House Deputy Speaker Rodante Marcoleta dahil sa imbestigasyon na ginawa niya sa ABS-CBN.

Matatandaan na hindi nakakuha ng panibagong 25 taong prangkisa ang ABS-CBN dahil hinarang na ito ng kongreso.

Naniniwala naman ang ilang tagasuporta ng Kapamilya network na kagagawan ito ng Pangulo.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular