Monday, October 3, 2022
HomeSocial MediaAbogado may hinamon si Robredo na magpakita ng ebidensiya na mayroong video...

Abogado may hinamon si Robredo na magpakita ng ebidensiya na mayroong video ang anak niyang si Aika

Isang abogado ang hinamon si Vice President Leni Robredo na patunayan na mayroon ngang pribadong video na kumakalat ang kanyang anak na si Aika sa internet.

Sa kanyang Facebook post, hiniling ni Atty. Ahmed Paglinawan si Robredo na patunayan ang kanyang mga sinasabi bago akusahan ang kampo ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng pagiging nasa likod ng pagpapakalat ng nasabing video.

“I invite Mrs. Robredo to produce evidence of the existence of an alleged tape,” ani Paglinawan.

“She can’t just posit the existence of something and then use it to accuse a rival candidate of —wait, I don’t even know what she is accusing Mr. Marcos of having done. Did he co-make the tape? Did he film it? What did he do?” 

“The very fresh lawyers of yesterday’s vintage would know that she, who makes a controversial claim, has the burden of proving it. They also know that when evidence in one’s possession is suppressed, such evidence is adverse.”

“Mrs. Robredo doesn’t seem to know any of these things. Which is why she’d defintely make a good president over at the nursery school.”

Matatandaan na sinabi ni Robredo na sila Marcos ang nagpapakalat ng malisyosong pag-atake sa kanyang anak na si Aika.

“Dati, ako lang ‘yung focus ng lahat. Pero ngayon na gumagalaw din ‘yung mga anak ko na tulungan ako, pati sila biktima na,” ani Robredo sa panayam sa kanya sa La Union.

“Inaasahan namin siya, pero gusto nating ipakita na hindi ito ‘yung klase ng pamumuno saka kampanya na gusto natin. Kung papaano sila lumaban ngayon, ganoon din pag nakaupo na sila. Puno ng kasinungalingan, puno ng dumihan.” dagdag niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular