Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesPati nakahimlay nadamay! Rico Yan,hindi susuporta sa mga Marcos ayon sa isang...

Pati nakahimlay nadamay! Rico Yan,hindi susuporta sa mga Marcos ayon sa isang talent manager

Hindi naniniwala ang talent manager at producer na si Noel Ferrer na susuportahan ng namayapang aktor na si Rico Yan si presidential candidate Ferdinand “Bongbong Marcos Jr.

Ito’y matapos sabihin ng aktres na si Claudine Barretto na mataas ang pagtingin ng kanyang dating nobyo sa mga Marcos.

Sinusuportahan ni Barretto ang kandidatura ngayon ni Marcos.

“It was about year 2000 when we met with President Duterte. In that same year we met Maam Sara & lastly BBM [Bongbong Marcos]. Rico looked up to these people,” ani Claudine.

“Our whole family is BBM only Marjorie & her kids are Leni.” dagdag niyapa.

Screencap mula sa Instagram comment ni Claudine Barretto (@claudbarretto)

Hindi naman matanggap ng mga netizens na susuportahan ni Rico na 20 taon ng namamayapa si Marcos.

Isa na dito ay si Ferrer na sinabing nasa dugo na ng namayapang aktor ang pagiging anti-Marcos.

Ayon kay Ferrer ay dumalo si Rico sa People Power Revolution anniversary na nagpatalsik sa mga Marcos noong dekada 80.

Ibinahagi din ng isang netizen ang documentary kung saan magpapatunay na hindi kumakampi sa mga Marcos si Rico.

Ilang netizen din ang nagsabi na kung nabubuhay pa si Rico ngayon ay si Vice President Leni Robredo ang iboboto nito.

Hinimok naman ng mga netizens si Claudine na tigilan na ang paggamit kay Rico lalo na pagdating sa politika.

Sa ngayon ay hindi malalaman ng mga netizens kung sino ang susuportahan ng aktor lalo na’t hindi na makakapaglabas pa ng pahayag ang isang taong namayapa na.

Wala pang pahayag ang pamilya ng namayapang aktor sa sinabi ni Claudine.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular