Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesNagpakilalang pinsan ni Francine Diaz, pinasinungalingan si Andrea Brillanes: May voice record...

Nagpakilalang pinsan ni Francine Diaz, pinasinungalingan si Andrea Brillanes: May voice record kaya wag mo kami pikunin!

Pinasinungalingan ng nagpakilalang pinsan ni Francine Diaz ang mga pahayag ni Andrea Brillantes.

Matatandaan na nitong Abril 11 ay sinabi ni Andrea na hindi totoo na kinompronta niya si Francine sa dressing room dahil sa aktor na si Seth Fedelin.

After posting the TikTok, ang dami nang kumalat na fake news. Wala pong totoo doon. Hindi ako nagloko. Hindi ko rin jowa ang mga pinagkalat niyo na kasama kong lalaki sa pictures. At pinaka importante sa lahat, hindi ho ako nanugod sa dressing room. Hindi ho talaga. I also don’t know where people got that.” ani Andrea.

Ngunit ayon kay Christle Ira Saenz, hindi totoo ang mga pahayag ni Andrea at totoo na sinugod ng aktres si Francine.

“Awit sayo girl ANDREA BRILLANTES! Hindi daw totoong sinugod? Ako na po nagsasabi sinugod nya yung pinsan ko sa dressing room! Sinugod mo kasi nag story ng pic with Seth di ba?! Ayaw mo mag story si Chin dahil ayaw mo magkaron ng chance ang FRANSETH!” banat ni Christle.

Tinawag ding “baliw” ni Christle si Andrea at naniniwala rin ito na nakipagrelasyon sa ibang lalake ang aktres habang sila ni Seth.

Mayroon din daw silang voice record na maaring magpatunay sa komprontasyon sa pagitan ni Andrea at Francine.

“So feeling mo naman ka attitude mo si Chin na gusto mga lalaki? Feeling maagawan cheater naman! May voice record kaya wag mo kami pikunin baka sugurin ka din naming baliw ka! Ikaw na nga nagloko dadamay mo pa si Chin! Lahat na lang kasi gusto mo jowain! Ikalma mo girl alam namin di ka mauubusan nyan baka ikaw mismo maubos! Minus 1,000 ka kay Lord kung palagi ka magmamalinis,” ani Christle.

“Laging damay pinsan ko sa issue mong baliw ka laki ng galit mo e no?! Tahimik na nga lang sa side namin para hindi ka na kahol ng kahol pag pinapatulan a naman akala mo kaawa awa ka talaga! Baka pag pinatulan ka talaga namin manahimik ka ng 100 years girl! Wag kami kilala ka na!” dagdag niya pa.

Screencap mula sa Facebook post ni Christle Ira Saenz

Sa ngayon ay hindi na makita pa ang nasabing post ng pinsan ni Francine.

Wala pang sagot si Andrea sa mga akusasyon laban sa kanya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular