Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesIna ni Francine Diaz, galit kay Andrea Brillantes at Seth Fedelin: "Sobra...

Ina ni Francine Diaz, galit kay Andrea Brillantes at Seth Fedelin: “Sobra na ang pagtitimpi ko!”

Hindi na nakapagtimpi pa ang ina ng aktres na si Francine Diaz na si Merdick Diaz sa Kapamilya loveteam na sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin.

Ito’y dahil sa diumano’y ayaw parin tigilan ni Andrea at Seth ang kanyang anak na noon pa nananahimik.

Matatandaan na nitong Abril 9 ay pinagusapan muli ang tatlong artista sa social media dahil sa matagumpay na proposal ni UP Fighting Maroons basketball player Ricci Rivero kay Andrea na maging sila na.

Nitong Abril 11 naman ay ibinunyag ni Andrea na may relasyon nga sila ni Seth noon.

Itinanggi din ni Andrea na kinompronta niya si Francine sa isang dressing room dahil kay Seth.

Ngunit nitong Abril 12 ay nakisali na ang ina ni Francine sa isyu.

Ayon kay Mrs. Diaz ay matagal nang nananahimik ang kanyang anak ngunit tila ayaw parin itong tigilan ni Andrea.

“Nananahimik anak ko tigil-tigilan mo na anak ko, manahimik ka na’wag mo ko pilitin maubos pasensya ko sa inyo!!!” Baka magkaalaman tayo hangga’t maaari ayaw ka patulan! Puro pang-unawa at pagpaparaya ang binigay sayo ng anak ko, namin alang-alang sa ikatatahimik ng lahat sa tuwing nababash ka, kayo lagi ninyo dinadawit ang anak ko. Hindi porket hindi kami sumasagot at kumikibo hindi ibig sabihin na OK LANG SA AMIN!! WAG AKO ANDREA BRILLANTES!” sabi ng nangagalaiti ng ina ng aktres.

Sa ikalawang bahagi naman ng post nito ay si Seth naman ang binatikos niya.

“At ikaw Seth sana ganyan din ang ginawa mong pagtatanggol sa anak ko ng nadamay sayo kung talagang tinuturing mong kaibigan anak ko! Na walang ginawang masama sa inyong tatlo na pinakisamahan kayo nang maayos at totoo pero ano ginawa n’yo!” ani Mrs. Diaz.

Bago niya tapusin ang kanyang post ay binanatan muli nito si Andrea at nagtataka siya kung bakit galit na galit ito sa kanyang anak.

“ANDREA BRILLANTES GALIT NA GALIT KA SA ANAK KO!! na wala naman ginawa sayo! Ikaw nag-umpisa ng sasabihin mo sasagutin ko lahat ng sasabihin mo ngayon sa social media SOBRA KA NA!! Hindi na ako papayag na lagi mo na lang binubully anak ko kayo! Sinong nanay at magulang na papanoorin mo na lang na lagi inaaway ang anak ko! Lahat ng pang-unawa at pag-iwas ginawa namin sayo, sa inyo!! Alam n’yo ‘yan!” sabi ni Mrs. Diaz.

 

Humingi naman ng patawad kalaunan ang ina ni Francine sa kanyang mga nasabi.

“Bilang isang magulang nasasaktan din kami sa mga sinasabi n’yo na hindi maganda sa anak ko. Kaya pumutok na ako nang ganito dahil hindi ko kinaya na siguro naman naintindihan n’yo bilang isang ina, maging happy na lang tayo, salamat sa taong nagpakalma sa akin, at mas maraming bagay na dapat ipagpasalamat namin,” paliwanag niya.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Andrea at Seth sa post ng ina ni Francine.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular