Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesHerbert Bautista, inamin na napag-usapan na nila ni Kris Aquino ang magpakasal

Herbert Bautista, inamin na napag-usapan na nila ni Kris Aquino ang magpakasal

Inamin ni senatorial candidate Herbert Bautista na halos umabot na sa simbahan ang kanyang pakikipagrelasyon sa Queen of all Media Kris Aquino.

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, ibinahagi ni Herbert ang diumano’y tingin niya na binabangit ni Kris na hindi niya tinupad na pangako.

Kwento niya ay pinagusapan na nila noon ni Kris ang pagpapakasal ngunit hindi ito kagad nangyari dahil narin sa mga hindi inaasahang bagay.

“Well, pinag-usapan namin yung marriage. Pero syempre, yung marriage is a process. I think she went through the same, pero whirlwind eh. Diba parang laging whirlwind yung dinadaanan niyang relationship na nagpapakasal siya.” ani Herbert.

“Eh ako naman, kahit may drama yung buhay ko, conservative pa rin akong tao eh. Let’s go through the motion, through the process. We talked about it but because of her experience and because of what happened to me, parang that conversation about marriage was serious but not as serious as in really getting married.”  dagdag niya pa.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang banat ni Kris kay Herbert at sinabi na dapat itong hindi iboto dahil hindi ito marunong tumupad sa pangako.

READ MORE: Kris Aquino hiniling na wag iboto ang ex at UniTeam candidate Herbert Bautista: “Di marunong tumupad”

“Gel, pinapatamaan mo yata ako diyan. Aray… Sinabi mo ‘yung may karelasyon. ‘D ba ‘yung isa nasa Uniteam?! ‘Yung Ex?. Oh huwag niyong iboto ‘yun ha.” ani Kris.

“Sayang ang boto dahil hindi marunong tumupad sa mga ipinangako. Deadma please.” dagdag niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular