Monday, September 26, 2022
HomeCelebritiesFrankie Pangilinan, pinuna ang pagiging malambing ni Sharon at Kiko sa publiko:...

Frankie Pangilinan, pinuna ang pagiging malambing ni Sharon at Kiko sa publiko: “Ang lalandi!”

Hindi napigilan ni Frankie Pangilinan na punahin ang kanyang mga magulang na sina vice presidential candidate Sen. Francis “Kiko” Pangilinan at Sharon Cuneta.

Sa kanyang tweet, ibinahagi ni Frankie ang mga larawan ng kanyang mga magulang na nagiging malambing sa publiko.

Sa sumunod na tweet naman nito ay humingi ng tawad si Frankie kay senatorial candidate Risa Hontiveros dahil sa makikita ang paglalambigan ng mga magulang niya sa tabi ng senadora.

“Ang lalandi ng mga bata sen risa im so sorry,” ani Frankie.

Ilan naman sa mga followers ni Frankie ang nagbigay ng kanilang reaksyon.

“Huhuhuhuhuhuhu mamiiiiiiiiii. Sweet ni Mega. May samting talaga nung sinamahan niya si papshie while speaking. Huhuhu may pasabog na endorsement palaaaaaa. Di ako makarecover,” ani @soaleapbern1211.

“You’re lucky to have a very affectionate and loving parents. I know, its a bit cringey if its your parents, 😆😆😆, but there’s so much inggit-factor coming from many of us.” sabi naman ni @msbhv3ph.

“Tawang tawa ako dito. Pero nong pinapanood ko si VP Kiko with the farmers lumuluha ako habang tumatalon sa saya ang puso ko. Baka nga sibuyas ako, dali kong maluha.” tweet naman ni @indayanne1

Matatandaan na todo supportive sa kandidatura ni Sen. Kiko ang asawa niyang si Sharon.

READ MORE: Nakakaiyak! Kiko Pangilinan, emosyonal matapos “supresahin” ng mga magsasaka

Naging usap-usapan pa nga sa social media ang pagiging emosyonal ng dalawa dahil sa pagbibigay suporta ng mga magsasaka sa kanila.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular