Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesWais! Rufa Mae Quinto, "bayad" ang pagdalo sa mga campaign rallies ni...

Wais! Rufa Mae Quinto, “bayad” ang pagdalo sa mga campaign rallies ni BBM at Pacman ayon kay Ogie Diaz

Rufa Mae Quinto, bayad ang pagdalo niya sa campaign rallies ng dalawang presidential candidate na sina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Manny Pacquiao ayon sa talent manager na si Ogie Diaz.

Sa panayam sa kanyang Showbiz Update vlog, makikita na nagtataka ang mga co-host ni Ogie kung bakit dalawang presidential candidate ang pinuntahan ni Rufa.

“Teka muna te, umattend siya kay Pacquaio. E umattend din siya sa isang nung presidential… ano ba yun, diba ba pagiging balimbing yun?” tanong ni Tita Jegs.

Sagot naman ni Ogie ay mayroong “talent fee” ang pagdalo ng komedyante sa mga campaign rally.

“Siyempre kailangan niyang rumaket.” ani Ogie.

Naniniwala siya na bayad si Rufa dahil sa personal niya itong kakilala.

Ang pagdalo ni Rufa Mae sa campaign rally ng UniTeam (kaliwa) at Manny Pacquiao (kanan)

Ipinagmalaki naman ni Ogie na sila lang ang hindi binayaran sa pagsuporta sa kanilang kandidato na si Vice President Leni Robredo.

“Naman. Heallo? Si Peachy pa… Dyusko kumare ko yan ano… Kaya nga siya nakapag pundar ng kung anek anek, kara-raket niya. Alangan naman ibigay niya yan na libre lang… may bayad yun… Dyusko.. tayo lang naman ang hindi binabayaran, hindi kumikita talaga sa pagmamahal…”  sabi ni Ogie.

“Pero kay Peachy naniniwala ako may pay. Raket yan e… wala namang masama… marapat lamang na sila ay makaraket. Sa panahon ng eleksyon duon kumikita yung karamihan ng artista…” dagdag niya pa.

Hindi pa nagbibigay ng tugon si Rufa Mae kung totoo nga ba ang akusasyon ng talent manager.

Matatandaan na nag viral sa social media ang kanyang mga performance sa campaign rally lalo na nung muntikan ng magkaroon ng wardrobe malfunction sa isa sa mga performance niya.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular