Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesVice Ganda, sinita ang kanyang driver na nanonood ng Eat Bulaga: "Napakasupportive...

Vice Ganda, sinita ang kanyang driver na nanonood ng Eat Bulaga: “Napakasupportive ni kuya!”

Sa kanyang Youtube vlog, ibinahagi ng komedyante na si Vice Ganda ang kanyang mga pinagkakaabalahan na mga gawain.

Makikita na kahit sarado na ang ABS-CBN ay marami paring pinagkakaabalahan ng mga proyekto si Vice at umabot pa nga sa punto na kailangan nitong sumakay sa helicopter upang makarating sa kanyang mga appointments.

Ilan sa mga nakakatuwang eksena sa kanyang vlog ay ang pagkahuli niya sa driver niya na nanonood ng Eat Bulaga habang sila ay papunta sa isang campaign rally sa Makati City.

“Eat Bulaga pinapanood mo ah… napakasupportive ni kuya! Pataas nang pataas ang ratings natin,” pabirong sita ni Vice Ganda.

Hindi maikakaila na lubos na naapektuhan ng pagsasara ng ABS-CBN ang mga programa ni Vice, kasama na dito ang kanilang noontime show na It’s Showtime.

Sa ngayon ay wala paring kasiguraduhan kung maibabalik ba ang prangkisa ng ABS-CBN.

Sa ngayon ay mapapanood na lamang ang It’s Showtime sa Kapamilya Channel.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular