Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesSoc Villegas kay Aika Robredo: "It is incredible that they spread these...

Soc Villegas kay Aika Robredo: “It is incredible that they spread these lies during the Holy Week!”

Nagsulat ng isang open letter si Archbishop ng Lingayen-Dagupan Socrates Villegas para sa anak ni presidential candidate Vice President Leni Robredo na si Aika sa gitna ng ipinapakalat diumanong ‘scandal’ nito sa social media.

Sa kanyang Facebook post, ikinalungkot ni Villegas ang diumano’y pagpapakalat ng kasinungalingan ng mga kalaban nila Robredo kahit na sa gitna pa ng Holy Week.

Nagbigay naman ito ng positibong mensahe kay Aika at hinimok ito na wag ng pansinin pa ang mga paninira sa kanila.

“I am sorry to hear about the malicious fake videos that liars have made about you. It is incredible that they spread these lies during the Holy Week! The purveyors of these calumnies against you clearly have no sense of the Lord who called Himself the Truth. The disciples of the Prince of Darkness hatched this rotten egg.” ani Villegas.

“Let not the lies disturb you. The truth of your life of decency and humility and service and intelligence is known by all of us. Only liars will believe their own kind. As for you, stay focused on doing what is good and be unperturbed in living by the truth according to the principles your parents planted in you.” sabi niya pa.

Hinangaan naman ni Villegas ang pagpapalaki ng bise sa kanyang anak na si Aika dahil tila hindi ito nagpapakita na apektado siya sa mga paninira sa kanya.

“Your Mom has surely taught you by her prudent counsel and courageous example of life how to handle such defamation. Fight with truth. Stay focused on service. Trust God, who knows everything, to fight this for you.” sabi pa niya.

“God has given you a cross to carry this Holy Week. Do not be afraid. God has your back secured and safe. When I lift the Host and chalice in all my Masses this Holy Week, I will also lift you up to the Lord. Smile. Be at peace. Jesus loves you.” dagdag pa nito.

Matatandaan na kinokondena ngayon ng libo libong netizens ang paglabas ng diumano’y video ni Aika sa Google search.

Ngunit ayon sa mga eksperto ay kahit sinong personalidad ay may lalabas talagang malisyosong resulta mula sa mga R18 websites basta’t tama lamang ang ilalagay nila na keyword.

Taktika daw talaga ito ng mga R18 website upang bisitahin sila ng mga parokyano sa pamamagitan ng Google search.

Ngunit pag bumisita daw sila dito ay wala naman talagang lalabas na video ngunit kikita parin ang website sa ad revenues.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular