Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesSharon Cuneta, naluha sa madamdaming tagpo sa pagitan ng magsasaka at ng...

Sharon Cuneta, naluha sa madamdaming tagpo sa pagitan ng magsasaka at ng asawang si Kiko

Hindi napigilan na maluha ni Megastar Sharon Cuneta habang pinagmamasdan ang pagmamahal ng mga grupo ng magsasaka sa kanyang asawa na si vice presidential candidate at Sen. Francis “Kiko” Pangilinan.

Sa nangyaring rally ng tambalang Leni-Kiko sa Pampanga ay matatandaang ‘sinupresa’ ng mga magsasaka na mula pa sa San Nicolas ang senador.

Mismong si Sharon ang nag-anunsyo ng pagdating ng mga magsasaka sa asawa niya.

“Kiko, merong mga nagmamahal sa’yo na gustong, sana’y pagbigyan mo na gustong lumapit sa’yo. at sila daw ang may gustong magtaas ng iyong mga kamay. Ito po mga Cabalen, ang ilan sa mga nakilala at minamahal ni Kiko ang farmers from San Nicolas, Pampanga. Tuloy po kayo,” ani Sharon.

Matapos ang pagpapakilala ni Sharon ay mahahalata na matigil pa ang pagluha ng megastar na nakilala sa kanyang galing sa pagkanta at pag-arte.

“Ito po si Tatang Meg, taga San Simon po. Siya po yung nabanggit ko kanina. Siya po ang ipinaglalaban namin ni Vice President Leni para maiangat ang buhay nila, niya at ng ating mga magsasaka at mangingisda,” sabi ni Kiko.

Kahit sa kanyang Instagram ay hindi matigil si Sharon sa pag-alala sa madamdaming tagpo.

Matatandaan na una sa plataporma ni Pangilinan ang agrikultura at gusto niya daw na makatulong sa mga magsasaka kung sakali na mahalal siya ng taumbayan bilang ikalawang pangulo.

Ilan sa mga gustong mangyari ni Pangilinan ay madoble ang budget na para sa mga magsasaka at mangingisda.

Gusto rin nito na bantayan ng gobyerno ang presyuhan ng mga ani ng magsasaka upang sa hindi sila malugi at ganahan pa lalo na magtanim.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular