Monday, September 26, 2022
HomeSocial MediaSal Panelo, nilinaw na hindi siya naging Kakampink: "Napahiya man ako, hindi...

Sal Panelo, nilinaw na hindi siya naging Kakampink: “Napahiya man ako, hindi ko inendorso si Robredo”

Mariing itinanggi ni senatorial candidate Salvador “Sal” Panelo na hindi niya inendorso si presidential candidate Vice President Leni Robredo sa isang campaign rally sa Camarines Sur nitong nakaraang Linggo.

Sa isang video na kumakalat sa social media ay makikita na sinambit ni Panelo na isang Bicolano na dapat ay tagaroon din daw sa kanilang lugar ang dapat suportahan nila.

“Tayong mga Bikolano, kung sino ang Bikolano, kailangan doon tayo!” sambit ni Panelo sa wikang Bikolano.

Dahil sa kumalat na videong ito ay nabawasan ang mga tagasuporta ni Panelo at ilang OFW ang sinabi an hindi nila ibinoto ang senatorial candidate sa exit poll.

Ngunit ayon kay Panelo, hindi kumpleto ang kumalat na video sa social media.

Paliwanag ng dating tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinubukan niyang i-endorso si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga taga CamSur.

Ngunit hindi ito tinanggap ng mga tagadoon at isinagaw ang pangalan ni Robredo.

Ang CamSur ay isa sa mga balwarte ni Robredo.

Ayon kay Panelo ay hindi niya na lamang itinuloy ang pag-endorso kay Marcos at nirespeto na lamang ang kagustuhan ng mga taga CamSur.

Inamin niya naman na napahiya siya ngunit hindi niya parin inendorso si Robredo.

“Makikita niyo po sa ibang video na sa simula ng aking talumpati ay ikinampanya ko si Bongbong Marcos (BBM) bilang pangulo. Ginawa ko ito kahit alam kong balwarte ni Leni ang CamSur dahil hindi ako balimbing. Iisa lang ang sinusuportahan kong kandidato kahit nasaan akong parte ng bansa.” paliwanag ni Panelo.

“Kagaya ng lagi kong ginagawa sa lahat ng rally na pinupuntahan ko, pinasigaw ko sa madla ang pangalan ni BBM. Sa kasamaang palad, puro “Leni! Leni!” ang binalik sa akin ng mga libo-libong Bicolano na dumalo sa rally. Sa madaling salita, napahiya ako. “

“Para hindi magkagulo o magkainitan, at para naman pakinggan nila ang talumapti at plataporma ko, linambing ko na lang ang mga kapwa ko Bicolano at sinabi sa aming wika na: “Tayong mga Bicolano, kung sinong Bicolano, doon tayo!” ‘Yun lang po ang layunin ko ng sabihin ko ‘yun. Total, Bicolano din ako, at natural lamang na hingin ko ang suporta ng mga kababayan ko. ” sabi niya pa.

Hiniling din ni Panelo na sana’y ginalang ng mga taga CamSur ang pinili niyang presidente.

Hindi niya naman kayang i-endorso si Robredo dahil sa mga nagawa nito bilang bise ni Pangulong Duterte.

“Ginagalang ko ang pinili nilang kandidato, pero sana ay galangin din nila ang presidenteng napili ko. Kailanman, hindi ko mai-endorso si Leni Robredo bilang pangulo, kahit magkakababayan kami at magkaibigan sa labas ng pulitika.” sabi ni Panelo.

“Hindi dapat maging pangulo si Leni dahil sinayang niya ang pagkakataong bigay ng taongbayan bilang Bise Presidente para makipagtulungan sa administrasyong Duterte, bagkus ginamit niya pa ang pwesto niya para siraan ang Pangulo at ang bansa.” sabi niya pa.

Sa ngayon ay mayroon ng libo libong reaksyon sa social media ang nasabing post ni Panelo.

Ikinatuwa naman ng mga tagasuporta niya ang naging paglilinaw nito.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular