Monday, September 26, 2022
HomeSocial MediaRowena Guanzon, may hamon sa mga 'trolls': Ang scandal ko where na?

Rowena Guanzon, may hamon sa mga ‘trolls’: Ang scandal ko where na?

Hinamon ni dating Commission on Elections (COMELEC) commissioner Rowena Guanzon na ilabas din ng kanilang mga kritiko ang kanyang pribadong video.

Ito ay kasabay ng diumano’y ipinapakalat na pekeng balita tungkol sa diumano’y lumabas na pribadong video ng anak ni presidential candidate Vice President Leni Robredo na si Aika.

Sa kanyang tweet, hinamon ni Guanzon ang mga ‘trolls’ ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na gawin din sa kanya ang ginagawa kay Aika.

Tweet mula kay Rowena Guanzon @rowena_guanzon

“Kailan kaya ilalabas ng may intel ang video ng bangag at lasheng ? Sige maglabasan na!” dagdag pa niya.

Unang pumutok ang balita ng diumano’y pagpapakalat ng video ni Aika sa Twitter kung saan ay kinondena ng mga tagasuporta ni Robredo ang mga kalaban nila sa politika.

Ayon sa kanila ay “below-the-belt” ang ginagawa ngayon kay Aika at naniniwala sila na may kinalaman ito sa pag angat ng ratings ni Robredo.

Sinubukan naming i-search sa google ang mga nasabing post at makikita nga na may mga website na may content tungkol kay Aika.

Ang ilan sa mga video ay na-upload na ilang taon na ang nakakaraan.

Kapag sinubukan naman itong panoorin ay maglalabas lamang ito ng pop-up advertisement o mapupunta ito sa ibang video.

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng pahayag ang kampo ni Robredo kung anong aksyon ang gagawin nila.

Matatandaan na hinimok ni senatorial candidate Chel Diokno ang Google Philippines na tanggalin na sa search results ang mga nasabing resulta tungkol kay Aika.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular