Monday, October 3, 2022
HomeUncategorizedPiolo Pascual, ibinahagi ang pagsuporta kay VP Leni Robredo: "Ganito ang itsura...

Piolo Pascual, ibinahagi ang pagsuporta kay VP Leni Robredo: “Ganito ang itsura ng totoong unity!”

Ikinagulat ng mga netizen ang pag-anunsyo ni Piolo Pascual ng kanyang suporta kay presidential candidate Vice President Leni Robredo.

Sa isang video na ibinahagi ni Piolo sa social media ay tila pinasaringan pa nito ang numero unong plataporma ng UniTeam na “Pagkakaisa” at sinabi na ang totoong unity ay nasa kampo ni Robredo.

“Mahirap at mayaman, babae at lalaki, bata at matanda… lahat ay magkakasama. Lahat ay isinasantabi ang pagkakaiba para magkaroon ng ambag sa bayan. Parang noong simula ng pandemya at nagkakanda-ubusan ng PPE sets para sa ating mga frontliners, mga nagkakaisang Pilipino ang nag-ambagan para mabilis na maaksyunan ang kakulangan.”

“Sa punto ng buhay at kamatayan, ang pagkakaisa natin ang nagbibigay ng tatag at pag-asa kaya marami tayong nagagawa. Hindi para sa sarili kundi para sa kapwa. Ganito ang itsura ng totoong unity,” ani Piolo sa nasabing video.

Ayon kay Piolo ay kitang kita na talaga ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa mga rally ni Robredo.

“Naka-attend ka na ba ng rally ni Leni Robredo? Ganito rin kasi ang pagkakaisang nangyayari eh. Mga magsasakang naglalakad para makarating sa venue, mga volunteers na gumagastos ng sariling pera para mangampanya, mga nanay na kasama ang mga anak nila sa laban. Mga senior citizen na hindi na iniinda ang mga sakit, dahil ang kampanyang ito ay hindi na tungkol sa iisang pamilya o kandidato, kundi para sa Pilipinas na gusto nilang ipamana sa ating lahat.” saad ni Piolo na hindi pa nakakapunta sa kahit saang campaign rally ni Robredo.

Piolo Pascual sa pagdalo niya sa isa sa mga rally ng BBM-Sara UniTeam

“Ang totoong pagkakaisa ay isang pangako na walang maiiwan, lahat tayo magkakasabay na humahakbang para sa pangarap na lipunan, at ang totoong pagkakaisa ay inspirasyon at panawagan na tayong lahat ay gumawa ng kabutihan. Ang sarap ng ganyang klase ng pagkakaisa! Ramdam mong malayo ang mararating nating lahat!”

“Sure ako, totoong malalim ang unity ng mga Pilipino, kung tapat, mahusay at mabuti ang namumuno. Hindi ito yung pagkakaisa ng mga political dynasty para sa sarili nilang interes. Ang totoong unity ay pagkakaisa ng taumbayan. Pilipino para sa kapwa Pilipino. Iisa lang ang taong nagpakita at nakapagparamdam niyan sa atin sa loob ng napakaraming taon. Si Leni Robredo lang.”

“At si Leni Robredo lang ang tanging iboboto kong pangulo ngayong eleksyon,” sambit pa ng aktor.

Inilabas ni Piolo ang nasabing pahayag ilang araw matapos siyang dumalo sa rally ng UniTeam sa Pagadian City.

Si Piolo ang isa sa mga endorser ng “Ang Probinsyano” party-list.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular