Friday, September 30, 2022
HomePoliticsPinsan ni Sara Duterte na si Nuelle Duterte, nagpahayag ng suporta sa...

Pinsan ni Sara Duterte na si Nuelle Duterte, nagpahayag ng suporta sa Leni-Kiko tandem

Hindi sumuporta si Nuelle Duterte sa kandidatura ng kanyang pinsan na si vice president candidate at Davao City Mayor Sara Duterte.

Sa virtual meeting ng mga miyembro ng Filipino-American community nitong Abril 10 ay sinabi ni Nuelle na mas pinili niyang suportahan ang kandidatura ni Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan dahil sa track record nila.

“I think [the Pangilinan’s campaign battle cry] would be really relevant especially in Mindanao, not just Davao, because there’s a lot of farmlands, a lot of agricultural lands there. In that sense, his advocacies and his work are relevant to the people of Mindanao,” sabi ni Nuelle.

“It’s important to look at the plans of candidates, to look at not only their work history and their educational history. But to look at what they want to do, what they want to give, what they want to advocate. And in terms of that, it has to be concrete and properly laid out…That’s the beauty of Team TroPa (Robredo-Pangilinan), particularly Senator Kiko. They have very concrete, specific plans,” sabi niya pa.

Noong nakaraang taon ay sinabi na rin ni Nuelle na “incompetent” na maging presidente si Sara dahil sa mainitin ang ulo nito.

“I don’t think she has the temperament to be a president of a country. That requires a great deal of discipline, patience, (and) integrity. So, I don’t think that she’s able to handle all the things that she’ll be required to handle with the office,” ani Nuelle na isang psychiatrist.

Nakilala si Nuelle dahil sa sinabi niya na kinakahiya niya na maging parte ng pamilya Duterte.

Ngunit noong 2019 ay nahuli si Nuelle ng mga otoridad dahil sa ginagamit niyang sasakyan ay may plaka na may mukha ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular