Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesBianca Gonzalez sa naninira sa pamilya Robredo: "Puno ng galit, at ang...

Bianca Gonzalez sa naninira sa pamilya Robredo: “Puno ng galit, at ang dilim siguro ng buhay”

Hindi naitago ng Kapamilya tv host na si Bianca Gonzalez ang sama ng loob niya sa mga taong patuloy na inaatake sa social media ang pamilya Robredo.

Matatandaan na kumakalat ngayon sa social media ang ilang diumano’y pribadong video ng anak ni presidential candidate Vice President Leni Robredo na si Aika.

Sa kanyang tweet, naisip ni Bianca na maaring masama talaga ang loob ng gumawa ng nasabing mga malisyosong video kay Aika.

Pero naniniwala naman ang host na maari pang magbago ang mga naninira sa pamilya Robredo.

Ang lungkot, puno ng galit, at ang dilim siguro ng buhay ng taong gagawa ng pekeng pambababoy sa babae para lang siraan ito,” ani Gonzalez sa kanyang tweet.

“Ito ba talaga ang gusto mong gawin? Please seek help. Life is beautiful kahit mahirap. Kaya mo pang magbago ng landas,” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay inihahanda na ng Office of the Vice President ang kanilang magiging aksyon laban sa mga nagpapakalat ng nasabing video.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular