Monday, September 26, 2022
HomeCelebritiesSharon Cuneta sinabing inosente si Leila de Lima: "Get her out of...

Sharon Cuneta sinabing inosente si Leila de Lima: “Get her out of there! HUSTISYA!”

Malakas ang paniniwala ni Megastar Sharon Cuneta na inosente si Senador Leila de Lima sa mga akusasyon na ibinabato sa kanya na nagresulta sa pagkakabilanggo nito sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame.

Sa campaign rally ni presidential candidate Vice President Leni Robredo sa Pampanga ay sinabi ni Sharon na hindi karapat-dapat na mailagay sa likod ng mga rehas si De Lima.

Ayon kay Sharon ay hinahanap lamang daw ni De Lima ang katotohanan kaya ito nakulong.

Sigaw nito ay sana’y palayain na si De Lima at hayaan na makapagserbisyo sa bayan.

“Senator Leila de Lima is in prison only because she was trying to find out the truth and she does not deserve to be locked up. Get her out of there! HUSTISYA!” ani Sharon.

Sa ngayon ay tumatakbo muli sa pagkasenador si De Lima, ngunit nanganganib na maputol ang kanyang termino dahil sa mababang survey ratings nito.

Matatandaan na inaakusahan si De Lima na naging dahilan kung bakit lumaganap ang iligal na aktibidad sa Bilibid sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang Justice Secretary.

May ilan ding mga bigating preso ng Bilibid ang nagsalita laban kay De Lima.

Wala namang komento pa ang Malacañang kung mas tama ba na palayain na lamang si De Lima katulad ng mungkahi ni Sharon.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular