Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesRobin Padilla, ibinunyag na halos tapusin na ang sariling buhay noon: "Hindi...

Robin Padilla, ibinunyag na halos tapusin na ang sariling buhay noon: “Hindi ako handa”

Inamin ni senatorial candidate Robin Padilla na halos piliin niya ng tapusin ang kanyang sariling buhay dahil sa isang pangyayari na hindi niya napaghandaan.

Sa panayam sa kanya ng aktres na si Toni Gonzaga, ibinunyag ni Robin na isa sa pinakamasakit na nangyari sa buhay niya ay ang pakikipaghiwalay sa kanya ng asawa niya na si Liezel Sicangco.

Ayon kay Robin ay hindi niya inaasahan na mismong ang asawa niya ang magpa-file ng divorce at inamin niya na sobra siyang nasaktan dito.

Kwento ng action star ay tila naipon ang lahat ng kasalanan na ginawa niya na naging dahilan ng pakikipaghiwalay ni Liezel sa kanya.

“Masakit ‘yun kasi ako ‘yung dinivorce e, ako ang dinivorce.” ani Robin.

Umabot sa punto na siya ay nagkaroon na ng depresyon at halos magdesisyon ng tapusin ang buhay niya sa pamamagitan ng pagbabaril sa sarili.

Pero hindi daw ‘yun natuloy dahil sinagip daw ng kanyang alagang aso na si Robin the dog ang buhay niya.

“Alam mo ‘yung baril ko noong time na ‘yun. Kasi nagpuputukan ‘yung mga… New Year e. The next day ‘yung aso ko nagpakamatay. Aso ko ha si Robin the dog. Next day, nabigti ‘yung aso. Totoo ‘yan, wala siya lang,” kwento ng aktor.

Kahit si Toni ay hindi makapaniwala sa nasabing kwento.

Mayroong mga pamahiin na minsan ay ang mga alagang hayop ang sumasambot sa masamang mangyayari sa kanilang amo na maaring naranasan ni Robin.

Maliban sa kanyang personal na buhay ay ibinahagi din ng aktor ang kanyang adbokasiya na isusulong niya kung sakali man na siya ang manalong senador.

Sa ngayon ay mayroon ng kalahating milyong views ang nasabing panayam.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular