Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesPokwang, ipinagmalaki ang 220,000 na pumunta sa Kakampink rally sa Pampanga: "Antayin...

Pokwang, ipinagmalaki ang 220,000 na pumunta sa Kakampink rally sa Pampanga: “Antayin nyo may taga hollywood pa na susuporta!”

Ipinagmalaki ni Marietta Subong o mas kilala bilang “Pokwang” ang libo libong pumunta sa rally ni presidential candidate Vice President Leni Robredo sa Pampanga nitong Abril 8.

Sa kanyang tweet, binanggit pa ni Pokwang ang tila pangako ni dating Pangulo at House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na landslide vote para kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Hindi pa daw natatapos diyan ang pagbuhos ng suporta kay Robredo dahil pati daw mga taga-hollywood ay magpapakita ng suporta kay Robredo.

Wala pang binabangit si Pokwang na pangalan kung sino ang mga taga hollywood na binabanggit niya.

“Dahil nag 220k at legit mga nagpunta sa Pampanga kagabi, kung saan pinangako ni Aling Oyang kay Junior ang landslide etchoz kururos, asahan na natin mga ilalabas na paninira pa more at pag mamaasim!!! Antayin nyo may taga hollywood pa na susuporta wait [email protected] hindi ito ETCHOZ!” ani Pokwang.

Sinabi ito ng komedyante ilang araw matapos siyang na wag na sanang magyabangan pa ang mga netizen pagdating sa kanilang pagsuporta sa mga kandidato.

READ MORE: Pokwang, may mensahe sa paparating na eleksyon: “Wag tayong patapangan at pataasan ng ihi!”

“Wag tayong magpayabangan ng suporta sa bawat kandidato natin, wag tayong patapangan at pataasan ng ihi Hindi ito contest!seryosohin natin ito!” ani Pokwang.

“ELEKSYON!nakasalalay kinabukasan ng ating mga anak at apo dito! Wag mo ibenta ang prinsipyo at dangal ng pamilya mo.” dagdag niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular