Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebrities#NoToRedJogging! Mga tagasuporta ng BBM-Sara, sabay sabay nag-jogging sa UP Oval

#NoToRedJogging! Mga tagasuporta ng BBM-Sara, sabay sabay nag-jogging sa UP Oval

Ilang tagasuporta ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nagsagawa ng isang ‘fun run’ bilang tugon nila sa isang viral video kung saan makikita ang isang tagasuporta ng nasabing kandidato na inaaway ng isang ale habang ito’y nagja-jogging.

Nangyari ang fun run sa University of the Philippines Academic Oval kung saan din naganap ang komprontasyon na nakuhanan sa viral video.

Matatandaan na nangyari ang komprontasyon dahil nakita ng nasabing babae ang soot soot na BBM-Sara mask ng nagja-jogging na tagasuporta ni Marcos.

READ MORE: Netizen na nagjo-jogging, inaway ng isang nagpakilalang ‘biktima’ ng mga Marcos

Sa kanyang post sa social media, ibinahagi ni netizen Ray nard ang ilan sa mga nangyari sa nasabing fun run na dinaluhan din ng mga sikat na personalidad katulad ni dating Cavite Rep. Gilbert Remulla.

Makikita rin na dumalo si dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) deputy executive director Arnell Ignacio na matatandaang binatikos ang babae sa nasabing viral video.

READ MORE: Arnell Ignacio, may mensahe sa babae na nanita ng BBM supporter sa UP Oval: “Paano ka ba pinalaki”

Nadiskubre din na bawal pala na magdala ng kanilang mga ‘pet’ sa nasabing oval kaya naman tingin nila ay lumabag sa panuntunan ang babae sa viral video dahil kasama nito ang kanyang aso sa pagja-jogging.

May ilan naman na nalungkot dahil sa hindi nila nakasalubong ang nasabing babae na nagpakilalang biktima daw siya ng pamilya Marcos.

Hindi pa malaman kung magkakaroon ba ng part two ang nasabing fun run.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular