Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesMr. Pure Energy Gary Valenciano, nagpakita ng suporta sa anak niyang si...

Mr. Pure Energy Gary Valenciano, nagpakita ng suporta sa anak niyang si Gab: “Let the basher reflect theirs”

Nagpahayag din ng suporta si Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa kanyang anak na si Gab.

Ito’y matapos ulanin ng batikos ang kanyang anak sa social media dahil sa kanyang performance sa rally ni presidential candidate Vice President Leni Robredo at vice presidential bet Kiko Pangilinan.

May ilan pa nga na sinabi na “the energy of the father cannot be inherited by the son” na tila pasaring kay Gab na hindi daw nito namana ang talento ng kanyang ama sa pagsayaw at pagkanta.

Ngunit sa kanyang post sa social media ay sinabi ni Gary sa kanyang anak na wag na lamang nitong pansinin ang mga bumabatikos sa kanya.

Ipinakita rin niya ang pagmamahal niya sa asawa niyang si Angeli na hindi na mapigilan na magbigay ng kanyang reaksyon sa mga pambabatikos na natanggap ng anak nila.

“I stand with you in this hon. And son? No matter how much you’ve been bashed…rain or shine you also have inspired countless with your stand. Continue to reflect the character of those you stand for and let the bashers reflect theirs. I love you so much  @gabvalenciano #LeniKiko,” sabi ni Mr. Pure Energy.

Sinabi naman ni Gab na hindi na dapat mag alala ang kanyang mga magulang dahil hindi naman siya apektado ng pambabatikos.

READ MORE: Gab Valenciano, hindi apektado ng pambabatikos: “Let us continue to pray for them”

Pinuri naman ng mga netizens ang tweet ni Gary.

“Gab’s participation in the campaign is remarkable. He is tireless & full of energy. And he speaks from the heart. Continue to be an isnpiration,” sabi ni netizen @bowikwik.

“A portion of the country needs a reset. The default setting was decent, respectful, honest, helpful, and all other good values. That portion must have been hacked.” komento naman ni @ty_grat.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular