Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesGab Valenciano, hindi apektado ng pambabatikos: "Let us continue to pray for...

Gab Valenciano, hindi apektado ng pambabatikos: “Let us continue to pray for them”

Hindi apektado ng pambabatikos at mga meme na natatanggap ngayon si Gab Valenciano na nagpakita ng suporta kay presidential candidate Vice President Leni Robredo.

Matatandaan na hanggang ngayon ay walang katapusan ang paggawa ng mga netizens ng parody at meme tungkol sa ginawang performance ni Gab sa mga rally ni Robredo.

Kahit ang ina ni Gab na si Angeli Pangilinan-Valenciano ay hindi na nakatiis at nagbabala na sa mga netizens dahil sa kababalik pa lamang sa normal ang mental health ng kanyang anak.

Ibinahagi din nito na napudpod na ang daliri ng anak niya sa kaka-block sa mga kritiko nito.

READ MORE: Angeli Pangilinan, sinabing bayaran ang mga bumatikos kay Gab Valenciano: “It took years for him to bounce back”

Ngunit ayon kay Gab ay hindi na kailangan pang mag alala ng kanyang ina dahil sa hindi naman daw siya apektado ng mga natatanggap niya na pambabatikos.

Ayon sa kanya ay ipagdarasal niya na lamang ang mga ginagawang katatawanan ang kanyang mga ginagawa.

“Awww mama, love you. I am grateful that through the years, I have managed to gain the strength to overcome such negativity and hate. In all honesty, I am unbothered by the bashing. Let us continue to pray for them. That’s what Jesus would do.” ani Gab.

Ibinahagi noon ni Gab na nakaranas siya ng bipolar disorder at clinical depression noong 2018.

Kaya naman hirap na hirap ito noon na mamuhay ngunit ngayon ay nalampasan niya na ang nasabing pagsubok sa buhay niya.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular