Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesAngeli Pangilinan, sinabing bayaran ang mga bumatikos kay Gab Valenciano: "It took...

Angeli Pangilinan, sinabing bayaran ang mga bumatikos kay Gab Valenciano: “It took years for him to bounce back”

Hindi na nakapagpigil si Angeli Pangilinan-Valenciano matapos ulanin ng batikos ang kanyang anak na si Gab Valenciano sa social media.

Matatandaan na kumakalat ngayon sa social media ang video ng performance ni Gab sa mga rally ni presidential candidate Vice President Leni Robredo at vice presidential bet Sen. Francis “Kiko” Pangilinan.

Umabot pa sa punto na itinatapat si Gab sa rapper na si Andrew E. na aktibong performer sa rally ng katunggali ni Robredo na sina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte.

Sa kanyang post, tinawag na ‘cyber bullying’ ni Angeli ang ginagawa ngayon ng mga netizen kay Gab na diumano’y kakagaling lamang sa kanyang karamdaman.

Ayon sa kanya ay ilang taon ang inabot ni Gab upang bumalik sa normal ang mental health nito at ayaw niya ng manumbalik pa ito dahil sa ginagawa ng mga netizens sa kanya.

READ MORE: Pang tapat kay Andrew E? Performance ni Gab Valenciano sa rally ni VP Leni, usap usapan

Hindi naman malaman kung ano ang ibig sabihin ng babala ni Angeli.

“To trolls & insensitive netizens who are bashing my son @gabvalenciano for believing in the #LeniKiko tandem. It took years for him to bounce back from his mental breakdown some years back so lam warning u to please STOP YOUR CYBER BULLYING & bashing our son. God bless you.” ani Angeli na kapatid ni Sen. Kiko.

Screencap ng tweet mula kay Angeli Pangilinan-Valenciano @AngeliPV

Suspetsa din nito ay may gumagastos ng libo libong piso para lamang bayaran ang mga bumabatikos sa kanyang anak.

“@MsLeaSalonga Medyo napudpod na his fingers ! When people are paid thousands to bash others & without conviction nor conscience they slander others – ang Diyos na lang ang katapat nila. Too much money is being poured into the troll factories & bashing business.
@gabvalenciano,” sabi pa niya.

Sa ngayon ay wala pang reaksyon si Gab sa mga natatanggap niya mula sa mga netizens.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular