Wednesday, October 5, 2022
HomeUncategorizedPing Lacson tinawag na "selfish" ang hiling na unity ng isang kandidato:...

Ping Lacson tinawag na “selfish” ang hiling na unity ng isang kandidato: “We will finish the race”

Hindi nagustuhan ni presidential candidate Sen. Panfilo “Ping” Lascson ang minumungkahi na unity ng isang grupo upang matalo ang nangunguna ngayon sa mga survey na si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kanyang tweet, nangako si Lacson na tatapusin nila ang kanyang pangangampanya dahil tumatakbo naman siya para sa tao at hindi para sa kung sinuman.

“The call for “unity” to defeat one particular candidate is a selfish scheme to unite under the candidate issuing that call. Decency deserves some respect even from arrogance. We will finish the race because it is the Filipino that we are fighting for and no one else.” ani Lacson.

Matatandaan na naging usap usapan ang isinusulong ng ilang grupo na pag atras nila Lacson, Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso at Sen. Manny Pacquiao upang tulungan si Vice President Leni Robredo na matalo si Marcos.

Kahapon lamang ay ibinunyag ni vice presidential candidate Lito Atienza na may lumapit sa kanila mula sa kampo ni Robredo at hinihiling ang pag atras ni Pacquiao.

Ngunit tinanggihan ni Pacquiao ang nasabing alok.

READ MORE: Di katanggap-tanggap! Pacquiao, mas pipiliin matalo sa eleksyon kaysa kumampi kay Robredo

“Yes na-approach na ako, hindi ko naman pwede sabihing hindi ako in-approach ninuman. Merong nag-approach sa akin… si Leni. Pero hindi katanggap-tanggap kay Manny,” ani Atienza.

“Naghahanap din sila ng parang re-shuffling eh. I tried delivering the message. Sabi ni Manny, ‘Matalo tayo kung matalo, pero ayoko namang manalo dahil sa negosasyon.’ That was an answer that I had to respect,” dagdag niya pa.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular