Friday, September 30, 2022
HomeSocial MediaPacquiao may mensahe sa mga boboto kay BBM: "Nasa huli ang pagsisisi"

Pacquiao may mensahe sa mga boboto kay BBM: “Nasa huli ang pagsisisi”

Pinaalalahanan ni presidential candidate Manny Pacquiao ang mga boboto sa katunggali niya na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sa huli ay maaring magsisi lamang sila.

Ayon kay Pacquiao ay maaring manumbalik ang martial law sa Pilipinas kung sakali na makabalik ang mga Marcos sa kapangyarihan.

“Wala akong problema kung sino ang susuportahan niyo, pero sinasabi ko sa inyo, ang pagsisisi laging sa huli nangyayari,” ani Pacquiao sa press conference na ginanap sa Negros Occidental.

Ayon sa kanya ay masasayang lamang ang pinaglaban ng mga bayani na nagbuwis ng buhay para bigyan ng kalayaan ang mga Pilipino kung manunumbalik ang mga Marcos sa Malacañang.

Sinabi rin nito na hindi siya aatras sa kanyang pagtakbo sa pagkapangulo.

Nangako rin ito na hindi siya magnanakaw sa gobyerno kung sakali na siya ay ihalal ng taumbayan bilang susunod na Pangulo.

Pinangako rin ni Pacquiao na maglalaan siya ng P400-B para sa libreng pabahay sa mga mahihirap.

Matatandaan na noong nakaraang buwan ay binatikos din ni Pacquiao ang mga piniling iboto si Marcos na nangunguna ngayon sa mga survey.

“Ang pinaka-b*b* sa bansa natin, ay yung boboto sa magnanakaw,” sabi pa ni Pacquiao.

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng tugon ang kampo ni Marcos sa mga banat sa kanila ni Pacquiao.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular