Wednesday, October 5, 2022
HomeSocial MediaNakakaiyak! Kiko Pangilinan, emosyonal matapos "supresahin" ng mga magsasaka

Nakakaiyak! Kiko Pangilinan, emosyonal matapos “supresahin” ng mga magsasaka

Hindi napigilan maging emosyonal ni vice presidential candidate Francis “Kiko” Pangilinan matapos diumano siyang supresahan ng grupo ng mga magsasaka sa kanilang campaign rally nitong Abril 8 sa Pampanga.

Sa nasabing rally ay ipinakilala ng asawa ni Pangilinan na si Sharon Cuneta ang mga surprise guest ng kandidato ng oposisyon na sina Tatang Beng na nagmula pa sa San Nicolas.

Makikita na agad na naluha si Pangilinan at niyakap ang magsasaka.

“Ito po si Tatang Beng… Siya po yung ipinaglalaban namin ni VP Leni para mai-angat ang buhay niya, nilang magsasaka at mangingisda,” ani Pangilinan.

Mapapansin din sa likuran si Sharon habang ito’y naiiyak sa emosyonal na tagpo sa pagitan ng asawa niya at ng mga magsasaka.

Ayon sa mga magsasaka ay kung hindi itataas ng mga politiko sa Pampanga ang kamay ng tambalang Leni-Kiko ay silang mga simpleng mamamayan ang susuporta sa kanila.

Matatandaan na kung sakaling manalo bilang bise ay gustong hawakan ni Pangilinan ang agrikultura.

Nangako rin ito na dodoblehin niya ang budget para sa mga magsasaka at mangingisda.

“Doblehin (ko) ang budget ng agrikultura at mangingisda para ‘yung pondo na ‘yun ay para suporta direkta sa mangingisda,” ani Pangilinan.

Gusto rin ng kandidato na siguraduhin na tama ang presyo na ibinibigay sa mga magsasaka upang hindi ito mawalan ng gana na magtanim.

Pag dumiretso na sa ating magsasaka, dadagdag ang kanilang kita, maeenganyo sila magtanim kasi ‘di na sila binabarat, dadami ang supply ng pagkain — ng karne, ng gulay, ng bigas — babagsak ang presyo, mawawala na ang gutom,” saad niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular