Monday, October 3, 2022
HomeSocial MediaMga tagasuporta ni BBM, balak mag-jogging ng sabay sabay sa UP Oval...

Mga tagasuporta ni BBM, balak mag-jogging ng sabay sabay sa UP Oval bilang tugon sa nang-away na ale

Daan daang tagasuporta ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang inaasahan na dadalo sa “fun run” na binuo ng page na “VP Leni’s Spaghetti and Catering Services”.

Ito ay bilang tugon sa nag viral na video kung saan makikita ang isang babae na kinompronta ang isang nagja-jogging dahil lamang sa nalaman nitong tagasuporta ito ni BBM.

Ayon sa nasabing event na sa ngayon ay dadaluhan na ng mahigit 100 na katao ay dapat magsoot ang mga pupunta ng kulay pula o berde na t-shirt, ganoon din sa kulany ng sosootin nilang face mask.

“Sabay-sabay tayong mag-JOGGING habang nagsisigaw ng BBM-SARA CHANT ni Andrew E.” sabi pa ng organizer ng nasabing event.

Larawan mula sa nasabing event

Sa isang post pa ay pinaalalahan ng organizer walang magaganap na kahit anong pagtitipon at kanya-kanya lamang po ang magiging setup ng nasabing fun run.

“Ang pagkakaisa lamang po sa gagawing TAKBUHAN bukas ay tungkol sa pagsusuot ng RED/GREEN attire. WALANG MAGAGANAP NA ASSEMBLY o PAGTITIPON NG MALAKING CROWD bukas. Kapag nakarating na sa venue, maaari nang simulan ang inyong pagtakbo sa palibot ng UP OVAL.” saad ng organizer.

Hinimok din ng organizer ang iba pang netizen na sumali sa nasabing pagtitipon.

“Mga kaTAKBUHAN ko sa UP bukas, Ipag-anyaya nyo po yung mga friends nyo na sumali. Masaya to, pramis!” sabi pa niya.

Hindi naman malaman kung sasali din ba sa takbuhan ang lalaki na kinompronta ng babae na nagpakilalang biktima daw ng mga Marcos.

Para sa iba pang impormasyon ay maari lamang i-search ang nasabing event.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular