Monday, October 3, 2022
HomePoliticsLaglag si Kiko! Lacson, ibinunyag na plano ng kampo ni Robredo na...

Laglag si Kiko! Lacson, ibinunyag na plano ng kampo ni Robredo na iwan si Pangilinan para kay Sotto

Ibinunyag ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang paglapit sa kanya ng mga miyembro ng kampo ni Vice President Leni Robredo kung saan ay inalok siyang umatras sa kanyang pagtakbo sa pagkapangulo.

Sa pahayag niya nitong Abril 9, sinabi ni Lacson na sa kapalit ng kanyang pag-atras ay ilalaglag daw nila Robredo ang ka-tandem nito na si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan at kukunin naman nila si Senate President Vicente “Tito” Sotto III bilang bagong kapareha ng bise.

“Sa akin may lumapit, alam niyo ang offer, doon sa Pampanga… alam niyo ang proposal niya sa akin: ‘Senator, kaya naming paatrasin si Kiko at ipasok si Senate President bilang vice president ni Leni basta magwithdraw ka lang,” pagbubunyag ni Lacson.

Agad naman daw itong tinanggihan ni Lacson.

“I rejected. Sabi ko, anong klaseng offer ‘yan, ilalaglag niyo ang kasama niyo para lang manalo ang principal ninyo? So I rejected,” sabi ng dating pinuno ng Philippine National Police (PNP).

Naniniwala rin si Lacson na may mga nakarating na ganitong klaseng alok sa kanyang mga katunggali na si Senator Manny Pacquiao at Manila Mayor Isko Moreno.

“I don’t know what kind of offer was given to Mayor Isko but I heard na ganun din, may effort, na para pag-withdrawhin siya. Si Senator Manny Pacquiao nag-express na rin, may lumapit din daw sa kanila, Anong klaseng mga tao ito, ‘di ba? Arrogance has no place in a decent society,” sabi pa ni Lacson.

Samantala ay handa naman daw siyang ipahiram si Sotto sa ibang tumatakbo sa pagkapangulo, katulad ni Sen. Pacquiao, ngunit hindi parin daw siya aatras sa kanyang kandidatura.

“Ako naman, willing ako i-share na si Senate President, common candidate namin ni Senator Manny. Mag-attend na silang dalawa sa aming rally mamaya, itaas namin ang kamay ni Senate President as our common vice presidential candidate,” sabi ni Lacson.

Wala pang pahayag ang kampo ni Robredo sa mga sinabi ni Lacson.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular