Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesJake Zyrus, humingi ng "privacy" sa gitna ng pagpanaw ng lola at...

Jake Zyrus, humingi ng “privacy” sa gitna ng pagpanaw ng lola at tiyuhin niya

Humingi si Jake Zyrus o mas kilala noon bilang Charice Pempengco panahon upang makapagdalamhati sa pagpanaw ng kanyang lola na si Tes Pineda Relucio at kanyang tiyuhin na si Robert Pineda Relucio.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Jake ay lubos na nadurog ang kanyang puso sa pagpanaw ng dalawang miyembro ng kanilang pamilya.

“This is a heartbreaking time for the family and those who love them dearly,” ani Jake. “Let us help the bereaved to mourn privately,”

“We greatly appreciate your sincere sympathy during this time of grief and loss,” dagdag niya pa.

Matatandaan na humingi ng tulong ang ina ni Jake sa Philippine Entertainment Portal (PEP) upang maipaabot ang kanyang mensahe sa singer dahil sa matagal na silang hindi nag uusap nito.

Ayon kay Raquel ay nasa Amerika na si Jake at hindi siya pinapansin nito.

“Tulungan niya sana ako at hindi ko kakayanin. Ako lang ang inaasahan ng pamilya ko,” ani Raquel.

Noon pa lamang ay halata na ang hindi magandang pagsasama ng dalawa lalo na noong ibinunyag na ni Jake ang kanyang totoong pagkatao.

Noong 2018 ay binatikos ni Raquel si Jake at sinabi na kung manalo man siya ng 700-M pesos sa lotto ay ibibgay niya ito lahat sa kanyang anak.

Sinabi pa nito na pagsisisihan ni Jake ang kanyang naging desisyon na maging transman.

“Kung sakaling manalo ako, ibibigay ko kay CHARICE… para hindi na nya gawin pa ang pambababoy sa pagkatao ko at di nya na ako gawing masama sa madlang people.” sabi ni Raquel.

“Pagsisisihan mo yan balang araw,” dagdag pa niya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular