Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesHappy Birthday! Pangulong Duterte, isinayaw ang kanyang bunso na si Kitty sa...

Happy Birthday! Pangulong Duterte, isinayaw ang kanyang bunso na si Kitty sa debut nito

Ipinagdiriwang ngayon ni presidential daughter Veronica “Kitty” Duterte ang kanyang ika-18 na kaarawan.

Sa video na ibinahagi ni Salvador Panelo ay makikita si Kitty soot ang kanyang magarbong gown na isinasayaw ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Umabot agad sa libo libong views at pagbati mula sa mga netizens ang nasabing video.

“One of the luckiest daughter on earth. Happy birthday Pritty Kitty,” sabi ni netizen Jenny Magallanes Cortez.

“Happy birthday kitty ur so very lucky kasi nagkaroon ka ng amang mapag mahal sa pamilya at higit sa inang pilipinas, we love your daddy, president RODRIGO ROA DUTERTE,” ani Marlyn Canete.

“Happy birthday beautiful kitty duterte ang gwapo ni tatay degong bumabata at saya ng mukha niya,” saad naman ni Lyn Yuson.

Si Kitty ang kaisa-isang anak ni Pangulong Duterte sa kanyang kasalukuyang partner na si Honeylet Avanceña.

Ilan sa mga malalapit na kaibigan ng pamilya Duterte ang dumalo sa nasabing pagdiriwang, kasama na dito si Panelo.

 

@markjohndailybncKitty Duterte’s debut, grabe ang bongga

♬ original sound – Mark Elvis John Trias

Sa ngayon ay hindi pa malaman kung saan ginanap ang pribadong pagdiriwang ni Kitty.

Sinusubukan pa naming humingi ng karagdagang impormasyon tungkol sa nasabing pagdiriwang.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular