Monday, October 3, 2022
HomeSocial MediaBongbong Marcos Jr. ala demonyo sa isang comics na ipinapakalat ngayong kampanya

Bongbong Marcos Jr. ala demonyo sa isang comics na ipinapakalat ngayong kampanya

Nangagalaiti ang mga tagasuporta ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga ipinapakalat na comics ngayon laban sa kanilang kandidato.

Sa isang post na ibinahagi ni netizen Benjie Contreras ay makikita ang ilan sa mga materials na ipinapamahagi ng diumano’y mga tagasuporta ni Vice President Leni Robredo sa kanilang isinasagawang house-to-house campaign sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Isa sa mga larawan na ibinahagi ni Contreras ay ang isang comics kung saan ay makikita si Marcos na nilagyan ng sungay at ginawang kulay pula.

“Kunwari ay bibigyan ko kayo ng ginto para iboto niyo ako. Kuwento lang na may ginto kami para maitago namin ang aming ninakaw. Hehehe..” saad ng nasa comics.

Larawan mula sa Facebook post ni Benjie Jr. Contreras

Sa ibabang bahagi naman ng comics ay makikita ang tila may sinisinghot ito.

Mapapansin din na mayroong mga bata sa nasabing comics na pinapangaralan ng kanilang mga magulang tungkol sa ginagawa ni Marcos.

Larawan mula sa Facebook post ni Benjie Jr. Contreras

Hindi naman nakapagpigil si Contreras na batikusin ang mga kumalat na comics.

“HINDI SILA PATAS MAKIPAG-LABAN WHICH SHOWS THEIR TRUE CHARACTER VERY MUCH OPPOSITE OF THE MARCOSES. KAHIT ANO PANG PANINIRA ANG GAWIN NG KAMPO NI ROBREDO AT MGA ANTI-MARCOS, SOLID NA SOLID KAMING MGA BBM LOYALISTS AT SUPPORTERS NA IHALAL SIYA BILANG PANGULO SA MAYO 9.” sabi ni Contreras.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang kampo ni Robredo at ni Marcos sa mga kumakalat na campaign materials.

Ngayong papalapit na ang eleksyon ay inaasahan na mas iinit pa ang batuhan ng putik sa pagitan ng mga kandidato.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular