Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesArnell Ignacio, may mensahe sa babae na nanita ng BBM supporter sa...

Arnell Ignacio, may mensahe sa babae na nanita ng BBM supporter sa UP Oval: “Paano ka ba pinalaki”

May maanghang na mensahe si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) deputy executive director Arnell Ignacio sa babae na nangompronta ng isang tagasuporta ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr sa University of the Philippines Oval.

Sa kanyang maiksing video, tinanong ni Ignacio kung paano ba pinalaki ang nasabing babae at bakit ganoon ang pagtrato nito sa mga iba ang paniniwala sa kanya.

“Tingin mo sa sarili mo ikaw ay mayroong superior na pananaw sa buhay na masasaklawan mo dapat lahat ng pananaw ng iba,” ani Ignacio. “Magalang pa nga ‘yung hinaharas mo. Tingin mo tama ang ginagawa mo, anong klaseng utak meron ka ba?”

“Dapat pigain ang katawan mo, palabasin ang kaluluwa mo at suriin kung ano ang kulay niyan, grabe.” dagdag niya pa.

Naniniwala ang dating opisyal na dapat ay pagsabihan ang nasabing babae ng mga “lider” nila dahil sa mali ito.

“Yun ba ang pamamaraan niyo ng kampanya? Grabe, anong klaseng ugali meron kayo. Yang kunting inangat ng kandidato mo bumaba, ikaw ang may kasalanan,” sabi niya pa.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang post ni netizen Eduardo Santos Dela Rama kung saan ay makikita ang babae na inaway ang isang nagja-jogging dahil sa pagiging tagasuporta ni BBM.

READ MORE: Netizen na nagjo-jogging, inaway ng isang nagpakilalang ‘biktima’ ng mga Marcos

“Ma’am ako nagja-jogging lang bakit mo ako inaaway?” sabi ng lalaki.

Sa ngayon ay umabot na ng libo libong views sa social media ang nasabing post.

Hindi pa malaman kung sino ba ang babae na nasa video na nagpakilalang biktima ng mga Marcos noon.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular