Wednesday, October 5, 2022
HomeUncategorizedRita Avila sa mga tumatawag na laos sa mga artista na Kakampink:...

Rita Avila sa mga tumatawag na laos sa mga artista na Kakampink: Mas laos kayo!

Maanghang ang mensahe ng aktres na si Rita Avila para sa mga tumatawag na ‘laos’ sa kanilang mga sumusuportang artista sa kandidatura ni presidential candidate Vice President Leni Robredo.

Sa kanyang Instagram post nitong Abril 8, sinabi ni Avila na ‘mas laos’ ang mga netizen na nagpa-follow sa kanila sa social media para lamang i-bash sila.

Kayang kaya naman daw nila itong sambutin lalo na’t kasama ito sa kanilang trabaho bilang mga kilalang personalidad.

“Lahat na lang ng kakampink na artista o singer ay sinabihan ng LAOS. Mas laos ang mga nagfafollow sa min o nagpupunta sa socmed account namin para mamintas lang. Kaya namin yan. Kasama sa trabaho namin yan eh.” ani Avila.

Ayon kay Avila ay mas gusto lamang nila ng mas maayos na pamumuhay para sa lahat ng Pilipino kaya nila sinusuportahan si Robredo.

“Besides, sumusuporta kami bilang FILIPINO CITIZENS, para sa buhay nating lahat lalo na yung nasa laylayan. ¬†Wala ng arti-artista dito. Bilang TAO katulad nyo ay gusto din namin ng maayos na pamumuhay para sa LAHAT ng Pilipino. Kasama kayo.” sabi pa ng aktres.

Larawan mula sa Instagram ni Rita Avila (@msritaavila)

Isa si Avila sa mga pinaka-aktibong tagasuporta ni Robredo na artista sa social media at sa mga campaign rallies.

Kahapon lamang ay nakisama sa house-to-house campaign ang aktres sa Quezon upang ikampanya si Robredo sa mga tao.

Larawan mula sa Instagram ni Rita Avila (@msritaavila)

Dahil sa pagiging aktibo ng aktres ay hindi talaga ito makaiwas sa pambabatikos mula sa mga tagasuporta ng ibang kandidato.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular