Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesPang tapat kay Andrew E? Performance ni Gab Valenciano sa rally ni...

Pang tapat kay Andrew E? Performance ni Gab Valenciano sa rally ni VP Leni, usap usapan

Usap usapan ngayon sa social media ang performance ni Gab Valenciano sa rally ng tambalang Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan.

Sa ilang video na kumakalat ngayon sa social media ay makikita ang pagkanta at pagsayaw ni Gab habang binabangit ang pangalan ni Robredo at Pangilinan.

Kitang kita ang energy ni Gab habang sinasabayan sa pagsayaw ang mga tagasuporta ni Robredo.

Ngunit may ilang netizen ang tila hindi namangha sa sayaw ni Gab at inakusahan pa ang artista ng paggaya sa rapper na si Andrew E. na aktibong performer ngayon sa mga rally ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Libo libong views ang nakukuha ng mga nasabing video na nagkukumpara kay Andrew E. at Gab na hanggang ngayon ay pinapanood sa social media.

Isa sa mga aktibong kritiko ngayon ni Gab ay ang blogger na si Krizette Laureta Chu.

“Gusto tapatan ni Gab Valenciano yung rap ni Andrew E. May solo dance pa sya. Unfortunately kamukha siya ng ng mga bida-bida sa school na feeling at starring sa lahat kaya nakakairita. Yes we all had that same classmate. Walang kasalanan si Gab kundi maging kamukha ng mga nakakairitang tao sa buhay natin.” ani Chu.

 

Ipinaalala din ng blogger ang mga banat noon ni Valenciano kay Pangulong Duterte.

“No doubt, Duterte is a leader who leads, and leads well. But what about the model and nature in which that leadership is put across? Doesn’t that matter anymore? I respect him for his honesty and eagerness to lead our country back on track, but I cannot support his morality.” sabi ni Gab noon sa kanyang tweet.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular