Wednesday, October 5, 2022
HomeSocial MediaNetizen na nagjo-jogging, inaway ng isang nagpakilalang 'biktima' ng mga Marcos

Netizen na nagjo-jogging, inaway ng isang nagpakilalang ‘biktima’ ng mga Marcos

Usap usapan ngayon sa social media ang pakikipagtalo ng isang tagasuporta ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isang ale na nagpakilalang biktima ng ‘martial law’.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Eduardo Santos Dela Rama ang video kung saan ay makikita ang isang ale na kinompronta ang kanyang kaibigan habang siya ay nagja-jogging sa oval ng University of the Philippines.

Nakita kasi ng ale na ang kanyang facemask ng kanyang kaibigan ay may mukha ni Marcos.

Maririnig ang babae na paulit ulit na tinatanong ang lalaki kung bakit niya iboboto si Marcos.

Sagot naman ng kaibigan ni Dela Rama, karapatan niya na pumili ng gusto niyang magiging lider.

Ngunit hindi natapos doon ang pagtatalo dahil sinabi ng babae na naging biktima siya ng mga Marcos.

“Ma’am ako nagja-jogging lang bakit mo ako inaaway?” sabi ng lalaki sa ale.

Umabot ng milyon milyong views sa social media ang nasabing post.

Kahit ang ilang sikat na internet celebrity ay hindi napigilan na mag-react sa nasabing video.

“Napanood ko yung video ng kakampink sa UP Oval na binungangaan si random stranger na maka-BBM.¬†Ok guys, we don’t need to campaign anymore.” sabi ni RJ “Thinking Pinoy” Nieto.

“Nakakatakot nang mag-jogging.” sabi naman ni Sass Rogando Sasot.

Hindi pa nakikilala kung sino ang babae sa nasabing video.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular