Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesMga kandidato ng Kakampink, kontra na sa pagdalo muli ni Kris Aquino...

Mga kandidato ng Kakampink, kontra na sa pagdalo muli ni Kris Aquino sa mga rally nila – Cristy Fermin

Kontra na diumano ang ilang kandidato na sinusuportahan ni presidential candaidete Vice President Leni Robredo na hayaang makadalo muli si Queen of all Media Kris Aquino sa mga darating nilang rally.

Ito ang usap usapan ngayon ng kolumnista na si Cristy Fermin at kanyang co-host na si Rommel Chika sa kanilang show na “Cristy Ferminute”.

Ayon sa kolumnista ay may mga natanggap siyang impormasyon na interesado muli si Aquino na umakyat sa entablado ng mga Kakampink upang magpakita ng suporta kay Robredo.

Ngunit ilan daw sa mga tumatakbong senador sa slate ni Robredo ay kumokontra na sa pagdalo muli ni Aquino sa rally nila.

“May nagkuwento sa akin na si Kris pala humahanap lang ng tiyempo para umakyat ulit sa isa pang entablado de kampanya ng Kakampinks. Ngayon nu’ng makarating daw ‘yung kuwento sa mga senador halos lahat sila ay kumontra.” kwento ni Fermin.

Naniniwala ang kolumnista na ayaw na ng mga senador pa na maging kontrobersyal ang mga susunod nilang rally dahil sa pagdalo ni Aquino.

“Nu’ng una nag-aalala sila para sa kalusugan ni Kris, ‘yung health niya alam naman natin na nangangailangan siya ng matinding pahinga at gamutan.” saad ng kolumnista.

“Siyempre ‘yung mga senador ayaw nila dahil baka nga naman ano ang mangyari kapag umakyat na naman siya tulad nu’ng nauna sa Tarlac, di ba?” dagdag pa nito.

“Pero kung hahalukayin natin ang dahilan kung bakit ayaw nila (mga senador), nasisira ‘yung programa nila. ‘Yun ang totoo!” sabi pa nito.

Sinabi pa ng kolumnista na may mga programang nasira sa Tarlac rally dahil sa biglaang pagdalo ni Aquino.

“May mga nakaplano sila na programa sunud-sunod hindi po ‘yun natutupad at nagaganap dahil parang si Kris ang sumisira do’n sa kanilang kampanya,” sabi niya.

Matatandaan na naging usap usapan sa social media ang mga pahayag ni Aquino sa kanyang pagdalo sa rally ni Robredo.

Isa na dito ay ang pagbanat niya sa alkalde ng Tarlac City at sa ex-fiancé niya na si senatorial candidate Herbert Bautista.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular