Wednesday, October 5, 2022
HomeSocial MediaMga bata na kumakanta ng "BBM" pinagsabihan ng dumaan na Leni supporter:...

Mga bata na kumakanta ng “BBM” pinagsabihan ng dumaan na Leni supporter: “Marami pa kayong kakaining bigas!”

Kahit ang mga kabataan ngayon ay tila hindi na ligtas sa painit na painit na kampanya para sa darating na halalan.

Usap usapan ngayon sa social media ang video kung saan makikita ang ilang bata na kumakanta ng campaign jingle ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. habang dumadaan ang mga tagasuporta ni Vice President Leni Robredo.

Sa video na ibinahagi ni “Atongskie Sanita” ay makikita na masayang kinakanta ng mga bata ang kanta ni BBM ng bigla silang daanan ng isang ale na nakasoot ng kulay pink na may dala dalang campaign materials ni Robredo.

Dito ay pinagsabihan sila ng ale na tigilan na ang paglalaro at mag aral na lamang.

“Marami pa kayong bigas na kakainin,” sabi ng ale sa mga bata.

Litong lito naman ang mga bata kung bakit sila napagalitan at nasabihan ng mga salitang hindi pa akma para sa kanila ng tagasuporta ni Robredo.

Hindi naman napigilan ng ilang netizens na madismaya dahil kahit ang bata ay hindi na pinaliligtas dahil sa usapin sa halalan.

Wala pang pahayag ang magulang ng mga bata kung ano ang reaksyon nila tungkol sa ginawa ng tagasuporta ni Robredo sa kanilang mga anak.

Sa ngayon ay umabot na ng libo libong views sa social media ang nasabing video.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular