Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesMariel Padilla, ibinahagi na 'galit na galit' si Robin dahil sa muntikan...

Mariel Padilla, ibinahagi na ‘galit na galit’ si Robin dahil sa muntikan niya ng pagtanggap ng donasyon

Ibinahagi ni Mariel Padilla ang diumano’y pambihirang pagkakataon kung saan nakita niya ang galit ng kanyang asawa na si Robin Padilla..

Sa panayam sa kanya ng talent manager na si Ogie Diaz, ikinuwento ni Mariel na wala na masyado silang pinag-aawayan ni Robin sa mga nakaraang taon.

Noong una daw ay selos ang nagiging dahilan ng kanilang pagtatalo ngunit ngayon ay hindi na ito nagiging isyu sa kanila.

Ngunit nang tumakbo si Robin sa kandidatura ay nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan dahil sa pagtanggap ni Mariel ng pera mula sa kanilang kaibigan na gustong tumulong sa action star sa kanyang pagtakbo sa senado.

Ayon kay Mariel ay malapit na malapit na kaibigan ang nagpaabot ng tulong kaya naman ibinigay ni Mariel ang account ng kanilang business.

Ngunit nalaman daw ito ni Robin at dito na nag umpisang magkulong sa kwarto ang action star at hindi kumain.

Galit na galit na galit na galit sa akin si Robin,” kwento ni Mariel.

Hindi naman daw matagumpay na nakapagpadala ang kanilang kaibigan ng pera dahil hinarang ito kagad ni Robin.

Dahil daw sa insidente na ‘yon ay hindi na daw sinubukan pa ni Mariel na tumanggap ng kahit anong tulong mula sa mga kaibigan nila o kakilala.

“Ang imagination ni Robin, na uupo ako sa sa harap ng mga senador tapos kakausapin daw ako, sasabihin bakit ako tumanggap ng ganito,” paliwanag ni Mariel.

Inamin naman ni Mariel na nasasaktan din siya sa mga nababasa niyang komento na sinasabing hindi qualified ang asawa niya na maging senador.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular