Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesDi katanggap-tanggap! Pacquiao, mas pipiliin matalo sa eleksyon kaysa kumampi kay Robredo

Di katanggap-tanggap! Pacquiao, mas pipiliin matalo sa eleksyon kaysa kumampi kay Robredo

Tinanggihan muli ni Sen. Manny Pacquiao ang alok ng kampo ni Vice president Leni Robredo na ‘unity’ sa pamamagitan ng pag-atras ng pambansang kamao.

Sa panayam sa ka-tandem ni Pacquiao na si Buhay Party-list Rep. Lito Atienza nitong Abril 8 ay ibinunyag nito na may mga lumapit sa kanya mula sa kampo ni Robredo upang paatrasin ang senador at bigyang daan ang bise presidente na pumapangalawa ngayon sa mga surveys.

Ngunit ayon kay Atienza ay agad tinanggihan ito ni Pacquiao at mas gugustuhin pa daw ng pambansang kamao na matalo kaysa sa umatras para kay Robredo.

“Yes na-approach na ako, hindi ko naman pwede sabihing hindi ako in-approach ninuman. Merong nag-approach sa akin… si Leni. Pero hindi katanggap-tanggap kay Manny,” ani Atienza.

“Naghahanap din sila ng parang re-shuffling eh. I tried delivering the message. Sabi ni Manny, ‘Matalo tayo kung matalo, pero ayoko namang manalo dahil sa negosasyon.’ That was an answer that I had to respect,” dagdag niya pa.

Nangako naman si Pacquiao itutuloy niya ang kanyang pagtakbo hanggang sa huling araw ng kampanya.

“Ang pinaglalaban namin dito ay talagang tunay na pagbabago, kasi ‘yun naman talaga ang hangad ko, ang hangad namin, wala kaming halos vested interest kundi talagang purely. Sayang ito kapag pinalampas pa natin itong pagkakataon na ito, dahil para sa taong bayan ito,” sabi ni Pacquiao.

Matatandaan na sinabi ng pambansang kamao na tanging “Panginoon” lamang ang makakapagpaatras sa kanya.

READ MORE: “Pacquiao, sinabi na aatras lamang siya sa isang kondisyon: “Pag may instruction ang panginoon sa akin,”

Wala pang sagot ng kampo ni Robredo sa muling pagtanggi ni Pacquiao sa kanilang alok.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular