Monday, October 3, 2022
HomeSocial MediaAsaran na! Ilang Pangasinense isinagaw ang "BBM" habang nagsasalita si Sen. Kiko...

Asaran na! Ilang Pangasinense isinagaw ang “BBM” habang nagsasalita si Sen. Kiko Pangilinan sa entablado

Hindi na talaga maitatago na painit na ng painit ang kampanya ng mga kandidato ngayong papalapit na ang eleksyon.

Sa Villasis, Pangasinan, makikita ang ilang tagasuporta ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na isinisigaw ang pangalan ng kanilang kandidato sa gitna ng talumpati ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan.

Si Pangilinan ay ka-tandem ni Vice President Leni Robredo na mahigpit na karibal ni Marcos Jr. sa politika.

Makikita sa video ang mga tagasuporta ni Marcos na dala dala pa ang ilang campaign materials at itinataas ito upang makita ni Pangilinan ang suporta nila kay BBM.

Tila hindi naman pinansin ni Pangilinan ang mga tagasuporta ni Marcos.

Ilang netizens naman ang hindi nagustuhan ang inasal ng mga tagasuporta ni Marcos.

“That speaks volume of what kind of values this supporters have, just like the candidate they support. No values at all. No to marcos no to duterte,” sabi ni netizen Jam Jul.

“Biruin nio no, sila lang gumagawa ng ganyan. Wala namang pumupunta sa rallies nila pra mag leni, isko, manny or ping. Totoo nga ata ang kasabihan. “Whoever you advocate or who will vote for reflects your morals and character”,” saad naman ni Uly Bog.
“This kind of malevolent crowds reflect on the malevolence of the leaders they support. Why are they there in the first place which is not their leaders’ rally? Plain Troublemakers! Btw, they don’t engage in negative campaigning.” komento namann i Manny Apilado.

Matatandaan na noong 2016 ay landslide ang pagkapanalo ni Marcos sa Pangasinan na umabot sa 813,709 na boto habang 260,694 lamang ang nakuha ni Robredo.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular