Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesPosibleng disqualification ni senatorial candidate Raffy Tulfo, usap usapan sa social media

Posibleng disqualification ni senatorial candidate Raffy Tulfo, usap usapan sa social media

Usap usapan ngayon sa social media ang posibleng disqualification ni senatorial candidate Raffy Tulfo dahil diumano sa kasong kinaharap nito noon.

Sa isang post sa Facebook, ipinaliwanag ni Lourdes De Las Cagigas na dapat ay hindi payagang makatakbo sa pagkasenador si Tulfo dahil sa convicted ito sa libel case na isinampa laban sa kanya ni Michael Guy.

Noong 2019 ay nahatulan ng Korte Suprema si Tulfo na guilty sa libel case na isinampa ni Guy na isang foreign exchange dealer.

Inakusahan ni Tulfo si Guy ng paghingi diumano ng proteksyon sa isang public official upang makatakas sa kinakaharap nitong tax fraud.

Dahil dito ay napilitan ang negosyante na magsampa ng multimillion-peso libel suit kay Tulfo at napaamin nila ang kampo ng mamamahayag na hindi nila sinigurado na tama ang impormasyon na kanilang nakuha tungkol kay Guy.

Pinagbayad ng korte si Tulfo ng P5,000,000 moral damage, ngunit sinubukan pa itong balikatarin ng kampo ng mamamahayag sa pamamagitan ng Korte Suprema.

Ngunit kahit ang Korte Suprema ay pumabor na guilty sa libel si Tulfo at binawasan na lamang ang moral damage na ipinapabayad sa kanila.

Ayon kay De Las Cagigas ay ‘moral turpitude’ ang libel na isang dahilan para madisqualify ang isang kandidato sa kanyang pagtakbo.

“If this country still believes in the rule of law, the libel conviction against him should automatically disqualify Tulfo from the race for the Senate. The decision on that case is all over the internet.” ani De Las Cagigas.

“Just ask Google—Michael Guy v. Raffy Tulfo et al. (G.R. No. 213023, April 10, 2019,” dagdag niya pa.

Ito rin ang hiling ni Public Attorney’s Office forensics chief Erwin Erfe na sana’y gawin ng COMELEC ang kanilang trabaho at i-disqualify si Tulfo.

Pinag usapan din sa blog ni RJ “Thinking Pinoy” Nieto ang posibleng disqualifcation ni Tulfo.

Nangunguna ngayon sa mga survey si Tulfo sa kanyang pagtakbo sa pagkasenador.

Wala pang pahayag ang mamamahayag tungkol sa pambabatikos na natanggap niya.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular