Friday, September 30, 2022
HomeUncategorizedMommy Dionesia, gustong maging 'presidential adviser' ni Manny: :Adviser ako sa subdivision...

Mommy Dionesia, gustong maging ‘presidential adviser’ ni Manny: :Adviser ako sa subdivision namin”

Ibinunyag ni Dionesia “Mommy D” Pacquiao ang kagustuhan niyang maging presidential adviser kung sakali na manalo ang kanyang anak na si Sen. Manny Pacquiao sa halalan 2022.

Sa isang media briefing, sinabi ni Dionesia na gusto niyang maging tagapayo ng pambansang kamao pagdating sa kung paano nila papatakbuhin ang bansa sa ilalim ng administrasyong Pacquiao.

Mayroon naman daw siyang karanasan sa pagbibigay ng payo at ‘yun ay ang pagiging adviser niya sa mga kapitbahay niya sa subdivision na tinitirhan niya sa General Santos City.

“Bilang nanay, concern ang abot ko. Kahit maliit lang akong nanay, adviser ako sa kanila,” sabi ni Mommy D.

“Katulad sa aming tinitirahan, adviser ako sa buong subdivision namin sa General Santos City,” dagdag niya pa.

Naniniwala si Dionesia na malaking tulong ang pagsama niya upang mabigyan ng lakas ng loob si Pacquiao sa pangangampanya.

Hiling naman ni Mommy D sa mga bontante, pagbigyang mamuno ang kanyang anak na gusto lamang bigyan ng mas magandang buhay ang mga mahihirap.

“Pagbigyan na lang nila si Manny. Ang gustong gusto ko, hayaan na lang nila si Manny ang humawak dito sa buong Pilipinas,” sabi pa ng nakakatandang Pacquiao.

Hindi naman malaman kung kukunin ba ni Sen. Pacquiao ang kanyang ina bilang presidential adviser.

Matatandaan na sinabi noon ni Mommy D na nag-aalala siya sa gagastusin ng kanyang anak ngayong tumatakbo na ito sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

Noon pa lamang daw kasi na tumatakbo ito sa isang lokal na posisyon ay sako sako ng pera ang naubos nila.

READ MORE: Dionesia Pacquiao nag-aalala na baka maubos ang pera ng kanyang anak na si Manny Pacquiao dahil sa pagtakbo sa pagkapangulo

Maaring umabot ng milyong milyong piso ang ibayad ng gobyerno para sa mga adviser ng Pangulo.

Sa kasalukuyan ay ilan sa mga adviser ni Pangulong Duterte ay sumusweldo ng daan daang libong piso kada buwan.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular