Wednesday, October 5, 2022
HomeUncategorizedLalaki na ilang beses natalo sa online sabong, hinoldap ang outlet na...

Lalaki na ilang beses natalo sa online sabong, hinoldap ang outlet na tinatayaan niya

Pinaghahahanap ngayon ang isang lalaki na lulong sa online sabong matapos nitong pagnakawan ang mismong outlet sa Rosario, Cavite na tinatayaan niya.

Ang suspek, na si Christian Rodriguez, 40-anyos ay hinihimok ng mga kamag-anak niya na sumuko na dahil sa pagnanakaw nito ng P380,000 sa e-sabong outlet na tinatayaan niya.

Ayon sa ulat, ilang beses daw natalo si Rodriguez sa kanyang pagtaya sa nasabing outlet kaya’t ng maubos ang pera nito ay sinubukan nitong isanla ang kanyang motor sa supervisor ng nasabing establisyemento.

Nang tumanggi ang supervisor ay saka nagdeklara ng ‘holdup’ ang suspek.

“Malaki [ang pusta] sunod-sunod na talo kaya namumuwersa siya na isangla yung motor, [nung hindi pinayagan] naglabas ng baril tinutukan na lang yung mga teller,” kwento ng empleyado ng outlet.

Ayon sa hepe ng Rosario police na si Lieutenant Colonel Ruther Saquilayan ay mahigit P200,000 ang naubos na salapi ni Rodriguez sa e-sabong at may ilan pa itong customer na nagsampa ng reklamo sa suspek dahil sa trabaho na hindi nito natapos.

“Almost, P200,000 ang natalo. Kasi siya ay kilala roon, after ng around ng mga 4 a.m. hinoldap niya ito, Wala siyang magawa kung hindi magsabong at base sa mga nakakausap namin na mga bahay na kinuhanan niya ng contract ito ay may mga advance na malalaking halaga,” ani Saquilayan.

Matatandaan na pinapasuspende ng senado ang e-sabong dahil sa tila masama nitong epekto sa mga tao.

Ngunit ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte ay pag-aaralan muna nila kung totoo bang may masama itong epekto sa mga mananaya.

“Sabi ko, pag-aralan muna natin then kung totoo ‘yan, hintuin ko ‘yan kung ang problema ibigay lang, ganoon-ganoon na. Pero kung sabihin mo kung wala lang, bakit ko hintuin ‘yan,” ani Duterte.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular