Monday, September 26, 2022
HomeCelebritiesHerbert Bautista, may nilinaw sa pangakong napako daw niya kay Kris Aquino:...

Herbert Bautista, may nilinaw sa pangakong napako daw niya kay Kris Aquino: “Hindi ako nangangako!”

Nagbigay pa ng impormasyon si senatorial candidate Herbert Bautista tungkol sa kanyang diumano’y pangako na napako sa isang tao.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang pahayag ni Kris Aquino laban kay Bautista na kanyang ex-fiancé.

“Gel, pinapatamaan mo yata ako diyan. Aray… Sinabi mo ‘yung may karelasyon. ‘D ba ‘yung isa nasa Uniteam?! ‘Yung Ex?. Oh huwag niyong iboto ‘yun ha.” ani Kris.

“Sayang ang boto dahil hindi marunong tumupad sa mga ipinangako. Deadma please.”dagdag niya pa.

READ MORE: Kris Aquino hiniling na wag iboto ang ex at UniTeam candidate Herbert Bautista: “Di marunong tumupad”

Ngunit ibinunyag ni Bautista sa virtual interview sa kanya ng blogger na si RJ “Thinking Pinoy” Nieto na wala siyang pinako dahil wala naman daw siya pinapangako.

“Una, hindi ako nangangako. Hahaha! Ginagawa ko na lang…’di ba? Kasi old school na ’yong nangangako ka na dapat…old school na ’yon, e. Now is not the time for promises. Now is the time for you to listen, to touch base… Alamin mo talaga,” sagot ni Herbert.

Punto pa ni Herbert ay hindi naman umabot sa punto na namigay na sila ng imbitasyon sa kasal kaya naman wala siyang pangako na pinako.

“Well, merong law kasi na… ’yong law na ’to, sa family code yata ito. Pagka naipamigay mo na ’yong invitation sa kasal tapos hindi mo tinuloy, that’s the breach of promise to marry. Di ba?” paliwanag niya.

Hindi man binanggit ni Herbert ang pangalan ni Kris ay maraming netizen ang naniniwala na tungkol sa Queen of all Media ang kanyang sinasabi.

 

Ilang beses narin na pinaringan ni Herbert si Kris sa kanyang mga kampanya.

“Malaki ang respeto ko sa pamilya mo at saka sa ’yo. At ang aking pagmamahal sa iyo, bilang kaibigan, ay hindi na mawawala. So, pagaling ka and kakain ka ng marami.” sabi ni Bistek.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular