Friday, September 30, 2022
HomeSocial MediaEx-Cebu City Mayor Osmeña, sinabing 'pangit parin' ang Davao kahit naging Pangulong...

Ex-Cebu City Mayor Osmeña, sinabing ‘pangit parin’ ang Davao kahit naging Pangulong na si Duterte

Binanatan ni dating Cebu City mayor Tomas Osmeña ang tambalan nila presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential bet Sara Duterte sa proclamation rally ng Bando Osmeña – Pundok Kauswagan nitong Sabado sa Cebu City Sports Center.

Sa kanyang talumpati, pinuna ni Osmeña ang pagiging mahirap na probinsiya ng Ilocos Norte kahit na napamahalaan ito ni Marcos ng tatlong termino bilang gobernador.

“Tignan mo si Bongbong, tatlong termino na siya sa Ilocos Norte pero isa parin ito sa pinakamahirap na probinsya sa Pilipinas. Gusto mo bang maging katulad ng Ilocos Norte ang Cebu?” tanong ni Osmeña sa kanyang mga tagasuporta.

Ito rin ang sinabi ng dating alkalde kay Mayor Sara na diumano’y hindi man lang gumanda ang Davao City kahit na naging Pangulo na ang nakakatandang Duterte.

Sinabi rin ni Osmeña na nabiktima parin ng terorismo ang Davao City kahit na naging Pangulo na si Duterte.

Ikinumpara din ni Osmeña ang Iloilo City na diumano’y mas maunlad kaysa sa Davao City kahit na pinatalsik ng mga Duterte ang dating alkalde doon na si Jed Mabilog.

Samantala ay nakiusap naman si Osmeña na suportahan ang kanilang kandidato sa pagkapangulo na si Vice President Leni Robredo at Senate President Tito Sotto naman sa ikalawang pangulo.

Wala pang komento si Marcos at Duterte sa banat sa kanila ni Osmeña.

Davao City’s underground cabling project

Matatandaan na naging usap-usapan noon ang pagtatalo sa pagitan ni Pangulong Duterte at Mayor Sara dahil sa hindi niya inuna ang Davao City pagdating sa pagbibigay ng proyekto.

Paliwanag ni Duterte ay sinadya niya talagang ihuli ang Davao City at unahin ang ibang probinsya.

“Alam ko maraming taga-Davao na may sakit sa akin, may sakit sa kanila sa puso nila. I know of one girl na talagang halos galit sa akin kasi bakit ang Davao wala namang napala doon sa…eh sabi ko yan ang that is the price we have to pay, you know,” ani Duterte sa talumpati niya noong nakaraang taon.

“If you happen to be in a place where there are some public works going on, you do not want to be criticized as one that’s–inuuna mo yung…iyo, yung iba huli na lang. So ang ginawa ko, ang sabi ko, unahin niyo, pinapahuli ang Davao,” dagdag niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular